Balita

‘ Minumulto’ ng ni- rape- slay, nagpakulon­g

- Ni ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN

Hawak na ngayon ng Quezon City Police ang lalaki na nangnakaw at nanghalay sa kanyang hipag.

Kinilala ang suspek na si Aries Pascua, 31, na isinuko ang kanyang sarili nitong linggo at kasalukuya­ng isinasaila­lim sa inisyal na imbestigas­yon.

Inamin ni Pascua na siya ang nasa likod ng pagpatay sa 36-anyos na si Sharon Morales na natagpuang patay sa ilalim ng kanyang kama at halos naaagnas na nitong Setyembre 29.

Lumalabas na sina Pascua at Morales at ang kanilang pamilya ay nakatira sa iisang bubong sa kahabaan ng Maya Street, Barangay Commonweal­th.

Sa initial inquest, ikinuwento ni Pascua kung paano niya pinasok ang kuwarto ng biktima para kumuha ng pera dahil nakaramdam siya ng gutom noong Setyembre 26.

Gayunman, nahuli siya sa akto ni Morales, kinumpront­a siya at sinabing sasabihin sa lahat ang kanyang ginawa.

Dahil sa takot, sinuntok ni Pascua si Morales na nawalan ng malay at tuluyang ginahasa.

Nang magkamalay ang biktima, sinabi ni Pascua na sinakal niya ito at tinapakan sa lalamunan.

Pagkatapos nito ay binihisan niya ang biktima, itinago sa sarili nitong kama, at kinuha ang kanyang cell phone na kanyang ibinenta sa halagang P1,000.

“Sumuko ako kasi lagi ko s’ya nakikita, eh. Sabi n’ya sa akin isusumbong n’ya raw ako,” ani Pascua.

Makalipas ang tatlong araw, naamoy ng biyenang babae ni Morales ang masangsang na amoy mula sa kuwarto ng biktima.

Sa pagpasok nito sa kuwarto, nadiskubre niya ang bangkay ng biktima.

Gayunman, sinabi ng mga imbestigad­or na base sa autopsy ng biktima ay namatay ito sa atake sa puso. Walang nakitang marka ng pananakal.

Sinabi rin ng pulis na hindi na maaaring malaman kung ginahasa ang biktima dahil bloated na ang bangkay.

Isinailali­m na si Pascua sa inquest proceeding­s at kasalukuya­ng nakakulong sa QCPD at nahaharap sa kasong murder at rape.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines