Balita

Lloydie at Ellen, magpapakas­al?

- Ni REGGEE BONOAN

“GUSTOlang magpahinga ni Lloydie ( John Lloyd Cruz), gusto niyang mag-recharge.” Ito ang sitsit ng aming source. ‘Panay nga ang pahinga niya, di ba?’ hirit namin. ‘Panay ang recharge sa beach.’

“Eh, gusto niya sa ibang bansa,” mabilis na sagot sa amin.

Binanggit din namin na may usap-usapang magpapakas­al sa ibang bansa sina John Lloyd at Ellen Adarna na naka-indefinite leave rin sa sitcom nilang Home Sweetie Home.

“Puwede kasi in love sila pareho, eh. Totoong magdyowa na sila,” kaswal na banggit sa amin.

Nabanggit din sa amin na upset daw ang Star Magic honcho na si Mr. M ( Johnny Manahan) sa mga ginagawa ni Lloydie.

“Ayaw siya talaga payagang umalis, eh, nagpumilit, walang nagawa ang Star Magic,” kuwento sa amin.

Inamin din sa amin na hindi pa nire-renew ng ABS-CBN ang kontrata ni John Lloyd.

“Supposedly, last January ( 2017) pa dapat nag- renew si John Lloyd ng kontrata niya, eh, anong petsa na? Kaya nga nu’ng tinatanong siya ( Lloydie) kung lilipat siya sa ibang network kasi nga may bulungan din dahil hindi pa siya nagre-renew, sagot niya, ‘hindi ko pa masagot ‘yan kasi mag- uusap pa kami ng management’. Eh, baka iyon ang problema ngayon ni John Lloyd kasi naka- hang siya,” kuwento ng source.

Matatandaa­n na kapag nagkakagan­ito ang aktor ay parating may kinalaman sa career niya o sa problema niya sa ABSCBN. May iba namang sapantaha ang mga taong nakatsikah­an namin tungkol kay JLC.

“Baka naman threatened siya kay Joshua Garcia na sinasabing next John Lloyd Cruz? Kasi nga naman sikat pa naman si Lloydie, pero parang lumalabas na gusto na siyang mapalitan. Dapat kasi pinagbubut­i niya, hindi ‘ yung ganyan na nagwawala siya,” sabi sa amin.

Sana pagbalik ni John Lloyd ng Pilipinas ay okay na siya at nakapag-recharge na, dahil sayang naman kung mawawala siya sa showbiz.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines