Balita

Nagpakita ng ari sa 13-anyos, kalaboso

- Mary Ann Santiago

Sa rehas ang bagsak ng isang lalaki matapos nitong pakitaan ng ari ang 13-anyos na dalagita na umano’y nililigawa­n nito makaraang tanggihan ang kanyang “indecent proposal”, sa isang pampubliko­ng palikuran sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Mismong ama ng biktima ang umaresto at nagdala sa presinto kay Arnel Baldestoy, 47, binata, kargador, ng 649 Baseco Street, sa Tondo, nang malaman ang kabastusan­g ginawa nito sa biktima.

Sa ulat ni PO3 Jennifer Cadatal na ipinaratin­g sa tanggapan ni Police Supt. Santiago Pascual III, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 2, naganap ang insidente sa tapat ng banyo sa Plaza Morga, na matatagpua­n sa J. Nolasco St., kanto ng Sta. Maria St., sa Tondo, bandang 5:50 ng hapon.

Naglalaba ng mga damit ang biktima nang lapitan ni Baldestoy at sabihan ng indecent proposal.

Nang tumanggi umano ang dalagita, pumasok si Baldestoy sa banyo at naghubad ng brief bago lumabas at ipinakita ang kanyang ari sa biktima.

Sa takot ng dalagita ay agad umano nitong pinagtuuna­n ng pansin ang kanyang nilalabhan kaya napilitan ang suspek na muling pumasok sa banyo at isara ang pinto.

Isa sa mga kaibigan ng biktima ang nakasaksi sa ginawa ni Baldestoy at nagsumbong sa ama ng dalagita.

Dali-daling sinugod ng ama ng biktima ang suspek at saka idiniretso sa presinto upang ipakulong at sampahan ng kaukulang kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines