Balita

Pagkilatis is sa fake news, , ituro sa school ool

- Ni Mary Ann Santiago

Hinihikaya­t ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s- Episcopal Commission on Youth (CBCPECY) ang mga guro na turuan ang kabataan sa pagsusuri kung peke o hindi ang mga ulat na kumakalat ngayon, partikular na sa social media.

Ayon kay Father Cunegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-ECY, may kakayahan ang mga guro na maihanda at maturuan ang kabataan upang hindi agad maniwala sa bawat mababasa at maririnig.

Sa pamamagita­n, aniya, nito ay hindi na maipapasa pa sa iba at hindi na rin kakalat pa ang fake news, lalo na kung ito ay makaaapekt­o sa national security, individual, at group privacy.

“Marami po sa atin sa Pilipinas ang mayroong access to means, tool to access technology not to be swayed to believe immediatel­y news that will compromise national security, privacy and security of individual person or group. Dapat maging responsabl­e ang mga naglalabas ng balita at meron ding pag-iingat ‘yung mga nakababasa at nakaririni­g ng balita,” sinabi ni Garganta sa panayam ng Radio Veritas.

“Mag- ingat to jump in to conclusion without first validating and checking ano ba ang source ng balita, laman ng balita, ‘yung talagang kwento ng balita,” paliwanag pa niya.

Ayon sa isang dokumento ng Simbahan na may titulong “Church and the Internet”, kinikilala ng Simbahan ang makabagong teknolohiy­a na biyaya sa sangkatauh­an, bagamat hinihikaya­t ang lahat na gamitin ito para sa pakikipag-ugnayan, at pagpapahay­ag ng mabuting balita.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines