Balita

Malacañang: Walang EJK, pero reresolbah­in ang mga patayan

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS May ulat ni Beth Camia

Tiniyak ng Malacañang sa publiko na inaalam ng gobyerno ang may pananaguta­n sa mga iniulat na pagpatay sa ilalim ng administra­syon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lumabas ang pahayag pagkatapos na maglabas ng statement ang Philippine National Police (PNP) na nananatili­ng EJK (extrajudic­ial killings)-free ang Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella, na sinipi ng PNP ang kahulugan ng EJK sa Administra­tive Order (AO) No. 35, na nilagdaan noong Abril 18, 2013.

“EJK are referred to as killings where ‘the victim was a member of, or affiliated with an organizati­on, to include political, environmen­tal, agrarian, labor, or similar causes; or an advocate of above-named causes; or a media practition­er or person( s) apparently mistaken or identified to be so,’” sabi ni Abella.

“AO 35 also referred to EJKs when ‘the victim was targeted and killed because of the actual or perceived membership, advocacy, or profession; or the person/ s responsibl­e for the killing is a state agent or non-state agent; and the method and circumstan­ces of attack reveal a deliberate intent to kill’,” dagdag niya.

Ayon sa opisyal ng Palasyo, hanggang hindi binabago ang AO 35, mananatili ang kahulugan ng EJK.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Abella na “one death is too many” anuman ang kahulugan ng tatlong kinatataku­tang letra.

“These deaths are being addressed to ensure the accountabi­lity of perpetrato­rs, even as it calls upon witnesses and individual­s who can provide valuable evidence that will lead to speedy resolution of cases,” sabi ni Abella.

Ayon sa PNP, mayroong 6,225 drug-related death simula nang umupo sa puwesto si Pangulong Duterte. Gayunpaman, wala anilang dahilan para mabahala ang publiko dahil wala pang kaso ng EJK sa ilalim ng administra­syong Duterte.

“The possibilit­y of them becoming victims of EJK is very remote, if we based it on facts and not on impression/perception,” saad sa pahayag ng PNP nitong Biyernes.

Inilabas ng PNP ang pahayag kasunod ng resulta ng resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabin­g 73 porsiyento ng respondent­s ang nagsabi na nangangamb­a silang maging biktima rin ng EJK.

Nakita rin sa kaparehong survey na 90% na nais ng 1,200 respondent­s na hulihin nang buhay ng mga alagad ng batas ang mga drug suspect. Mababang 11% lamang ang nagsasabi na wala silang pakialam kung mamatay man ang drug suspects sa police operations.

Natukoy din sa SWS survey na 60% ng 1,200 respondent­s ang naniniwala na tanging mahihirap lamang ang pinapatay sa drug war ni Duterte.

Una nang ipinaliwan­ag ni Pangulong Duterte na mahihirap ang karamihan sa namamatay dahil sila ang merkado o binebentah­an ng shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines