Balita

Pinoy isa sa kinasuhan sa pinlanong ISIS attack

- Reuters

Isa ang Pinoy sa tatlong inaresto simula noong Mayo ng nakaraang taon sa kasong pinlanong pagatake ng Islamic State sa New York City noong 2016, sinabi ng U.S. prosecutor­s nitong Biyernes.

Ang planadong pag-atake, na napigilan ng law enforcemen­ts, ay binubuo ng pambobomba sa Manhattan’s Times Square at sa subway ng lungsod, ayon sa opisina ni Acting U.S. Attorney Joon Kim sa Manhattan.

Isa sa mga lalaki, ang 19-anyos na Canadian na si Abdulrahma­n El Bahnasawy, ay nasa kustodiya ng U.S. simula noong Mayo 2016, nang siya inaresto sa New Jersey. Umamin siyang guilty sa terrorism charges noong Oktubre 2016, sinabi ng prosecutor­s.

Si Talha Haroon, 19, U.S. citizen, ay inaresto sa Pakistan kung saan siya nakatira, noong Setyembre 2016, at si Russell Salic, 37, Pinoy, na inaresto sa Pilipinas noong Abril ng nakaraang taon, ayon sa opisina ni Kim.

Sinabi ng prosecutor­s na inaasahan nilang ipadadala sa United States sina Haroon at Salic upang harapin ang mga kaso. Ang mga abogado ng tatlong lalaki ay hindi pa kinikilala.

Ayon sa prosecutor­s, binili ni El Bahnasawy ang bomb-making materials at tumulong sa pagsiguro sa isang cabin malapit sa New York City kung saan isasagawa ang pagatake. Sinabi nila na pinlano ni Haroon na maglakbay mula Pakistan upang tulungan si El Bahnasawy sa pagatake, habang si Salic ang tumulong sa pondo sa pag-atake.

Sa mga dokumenton­g inilabas sa korte sa Manhattan nitong Biyernes, pinlano nina El Bahnasawy at Haroon ang pag-atake sa kasagsagan ng Ramadan, na mula Hunyo hanggang unang bahagi ng Hulyo.

Sinabi ni El Bahnasawy told sa isang undercover law enforcemen­t officer na nagpanggap na tagasuport­a ng Islamic State na nais niya na “create the next 9/11,” sinabi ng prosecutor­s. Isiniwalat ni El Bahnasawy sa officer ang planong pasabugin ang isang car bomb sa Times Square at “shoot up concerts,” ayon sa prosecutor­s.

Sinabi naman ni Salic, na napanatili­n ang pro-Islamic State social media presence, sa undercover officer na nakikipag-ugnayan siya kay El Bahnasawy, at nagpadala ng $423 mula sa Pilipinas upang pondohan ang pagatake, ayon pa sa prosecutor­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines