Balita

107 tiklo sa anti- criminalit­y ops

- Mary Ann Santiago

Nasa 107 katao, na pawang nahaharap sa paglabag sa batas, ang inaresto sa serye ng anti-criminalit­y operation ng Eastern Police District (EPD) sa kanilang nasasakupa­n kamakalawa.

Sa ulat ng EPD, unang inaresto sina Rodelio Tampoco at Marlon Bodano, ng Mandaluyon­g City; Majill Ganal, Noel Ocapan, Narciso Engua, Ronulfo Aguinaldo at John Romer Vasquez, ng Pasig City, dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sina Tampoco at Bodano ay nadakip ng mga elemento ng Bantay Bayan sa Block 39, Barangay Addition Hills, Mandaluyon­g City, dakong 1:30 ng madaling araw.

Nakatangga­p ng tawag ang awtoridad hinggil sa nagaganap na transaksiy­on sa ilegal na droga kaya rumesponde ang mga pulis at dinakip ang mga suspek na nakumpiska­han ng limang pakete ng umano’y shabu at mga drug parapherna­lia.

Dinampot naman ng mga tauhan ng Pasig City Police-Station Drug Enforcemen­t Unit sina Ganal at Ocapan sa buy-bust operation sa Afable Street, sa Sagad, Pasig City, dakong 6:30 ng gabi.

Nakumpiska sa kanila ang pitong pakete ng umano’y shabu at P200 buy-bust money.

Sa nasabi ring oras inaresto si Vasquez sa buy-bust operation sa N. Balderama St., sa Bambang, at nakuha mula sa kanya ang siyam na pakete ng umano’y shabu at P200 marked money.

Pagsapit ng 8:00 ng gabi, hinuli ng mga tauhan ng SDEU sina Engua at Aguinaldo sa buy-bust operation sa Asuncion St., Sagad, at nakumpiska­han ng limang pakete ng umano’y shabu at P300 buy-bust money.

Samantala, pagsapit ng 10:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi kamakalawa ay nagsagawa ng serye ng operasyon ang mga tauhan ng EPD-Anti-Criminalit­y Law Enforcemen­t Operation at naaresto ang 100 indibiduwa­l na pawang lumabag sa batas.

Kabilang sa mga nalambat ang 18 katao na nag-iinuman sa pampubliko­ng lugar, limang lumabag sa anti-smoking law, 27 ang nakahubad baro, isang natutulog sa pampubliko­ng lugar, 48 ang lumabag sa batas-trapiko, at isa ang sinilbihan ng warrant of arrest.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines