Balita

Kinilala ang kabayaniha­n ng Pinoy taxi driver na nagligtas ng mga nasugatan sa Las Vegas

- PNA

KINILALAan­g kabayaniha­n ng isang Pilipinong taxi driver sa Amerika nang ilikas niya ang anim na nasugatan sa kasagsagan ng mass shooting sa Las Vegas, hindi inalintana ang sarili niyang kaligtasan—at kilala sa kanyang bayan sa Bohol bilang isang maawaing tao na laging handang tumulong sa mga nangangail­angan.

“Totoong laging Good Samaritan si Wenifredo ‘Winnie’ Maquindang, at kilala siya rito sa Loboc, Bohol sa pagiging matulungin, kasama na doon ang pagpapauta­ng ng pera,” sabi ni Alma F. Taldo, kapitbahay ng pamilya Maquindang.

“Sa katunayan, tuwing umuuwi si Winnie mula sa Amerika ay nagbo-blowout siya sa kanyang pamilya, sa mga kapitbahay at sa mga kaibigan niya sa Loboc, hindi lang isang beses kundi halos araw-araw,” kuwento pa ni Taldo. “Gusto niyang masaya lagi ang lahat.”

“Kapag may kakilala siyang humiram ng pera sa kanya, lagi siyang nagpapauta­ng, eh, kung hindi makabayad ‘yun, walang kaso sa kanya,” dagdag pa ni Taldo.

Malapit lang sa Mandalay Hotel sa Las Vegas si Maquindang nang magpaulan ng bala ang nag-iisang suspek na si Stephen Paddock, 64, sa napakarami­ng taong dumalo sa country-music concert nitong Oktubre 1, na pumatay sa 59 na katao at ikinasugat ng 527 iba pa.

Ang insidente ang itinuturin­g na pinakamala­gim na maramihang pagpatay sa kasaysayan ng Amerika.

Sa isang panayam sa himpilan ng radyo na DYTR sa Tagbilaran City, sinabi ni Maquindang na nang marinig niya ang mga unang putok ng baril ay inakala niyang fireworks display lang ang mga ito.

Subalit nang magtuluy-tuloy ang mga putok at nang mamataan na niya ang libu-libong tao na na naghihiyaw­an habang nagtatakbu­han, sa halip na lisanin ang lugar gaya ng ibang kapwa niya taxi driver ay kaagad siyang lumabas para tumulong.

Nasa kainitan pa ng pagpapaput­ok ng baril si Paddock nang isa-isang ipinasok ni Maquindang ang anim na sugatang tao sa loob ng kanyang taxi at nagmamadal­ing isinugod ang mga ito sa pinakamala­pit na ospital sa Las Vegas.

Matapos na dalhin ng mga medical attendant ang anim na biktima sa emergency room, tinangka ng Pinoy taxi driver na bumalik sa Mandalay Hotel, subalit naharangan na ng mga police car ang lahat ng kalsada.

Nabunyag lamang ang kabayaniha­n ni Maquindang ilang araw makalipas ang massacre nang mismong mga taga-Las Vegas ang kumilala sa kanya bilang isang bayani.

Para sa ipinamalas niyang kabayaniha­n, inimbitaha­n si Maquindang ni Las Vegas Mayor Carolyn Goodman sa tanggapan nito at doon na rin kinapanaya­m ng ilang miyembro ng media. Ipinakita rin ng Pinoy sa mga miyembro ng media ang kuha ng dash cam sa kanyang sasakyan tungkol sa trahedya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines