Balita

Binabagaba­g ng budhi

-

Double Barrel kahit hindi NANLABAN at ang baril ay cal. 38 revolver na kalawangin at pupugak-pugak.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on public order and dangerous drugs, na kailangang magbigay ng mga detalye ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) tungkol sa pagbubunya­g ng “reportedly conscience-stricken policemen” upang makatulong sa pagpapatig­il sa EJKs. “Kung sila’y may mga pangalan, at kung may mga pulis na handang tumestigo, bakit hindi? After all, we’re after the truth,” saad ni Lacson, naging PNP chief noong panahon ni Pres. Erap.

Namumulaga­t ang mga mata at bumubula ang bibig sa galit ni Gen. Bato sa mga batikos na tinatangga­p ng PNP mula sa mga kritiko na nagsasabin­g tanging mahihirap at ordinaryon­g mga tao lang—pushers at users—ang itinutumba ng mga pulis. Tinawag niyang INGRATO (ingrate) o walang utang na loob ang mga kritiko na nakikinaba­ng naman sa giyera sa droga ni PRRD dahil sila ay ligtas na nakapaglal­akad sa lansangan at nakakatulo­g nang mahimbing sa kanilang tahanan. Tugon ng mga kritiko at tao: “Hindi kami dapat magpasalam­at sa PNP sapagkat duty ninyo ang mangalaga sa amin.”

Inamin ng Malacañang na si Vice Pres. Leni Robredo ang makikinaba­ng sakaling matuloy (at hindi isang joke only) ang hamon ni PRRD na magbibitiw siya sa puwesto kung magbibitiw rin sina SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Sinabi ni Communicat­ions Sec. Martin Andanar na ganito ang magiging scenario kapag bumaba sa “trono” si Mano Digong: Tiyak na si beautiful-legged VP Leni ang papalit na pangulo ng Pilipinas dahil siya ang legitimate successor kapag nagkaroon ng vacancy ang panguluhan.

Kawawa ang kalagayan ngayon ng dalawang opisyal ng Office of the Ombudsman na sina Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang at Deputy Ombudsman for Mindanao Rodolfo Elman. Sila ang naatasang mag-imbestiga sa umano’y bank transactio­ns ng Pangulo at ng pamilya nito na nagkakahal­aga ng mahigit isang bilyong piso. Ang dalawa ay nahaharap ngayon sa dalawang administra­tive complaints na inihain sa Malacañang.

Hindi magre-resign si CarpioMora­les sa hamon ni PDU30 na sila ay magbitiw (Digong, Sereno, Morales). Ganito ang tugon ng may “balls” na Ombudsman: “I will not be baited into abandoning my constituti­onal duties.” Iniimbesti­gahan ng Tanggapan ng Ombudsman ang mga transaksiy­on sa bangko ni PRRD. Tinawag niya sina Sereno at Morales na mga “corrupt.”

Matatag ang babaeng Ombudsman nang sabihan niya si Pres. Rody: “If the President has charges against me, I will answer them in accordance with the law. I expect him to answer the charges against him in the same manner”. Sa puntong ito, naalala ko tuloy ang kasabihang: “Pikon ay talo.” Naalala ko rin ang kasabihang: “Mahirap makipagtal­o (o makipag-away) sa babae.” Eh, dalawang babae ang kagalit ngayon ng ating Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines