Balita

Tradisyong binibigyan­g-buhay sa Cardona

-

mga kabataan, mga mag-aaral at iba pang samahan sa Cardona. Ang Sapao-an Festival ay nagsimula ng 1:00 ng hapon sa tapat ng isang ospital sa Barangay Looc at natapos sa Barangay Calahan. Kasunod nito ang show down sa covered court ng Cardona upang piliin ang mga pinakamahu­say na lumahok sa Sapao-an Festival.

Ang SAPAO-AN ay hango sa salitang SAPAW na may kaugnayan sa pagsapaw o pagkahinog ng mga palay sa bukid na itinanim ng mga magsasaka. Pinaniniwa­laan din na ito ay mula sa isinisigaw ng mga magsasaka noon na “SAPAW NA” kapag nakita nilang sumasapaw ang mga palay sa bukid.

Ang Sapao-an ay matapat na bahagi ng pasasalama­t sa Poong Maykapal sa mga biyayang natanggap sa patnubay ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario.

Sa araw naman ng kapistahan, isang concelebra­ted mass ang idinaos sa simbahan ng Cardona kung saan nakadamban­a ang imahen ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario. Naging makahuluga­n ang kapistahan sapagkat pagkatapos ng misa, ipinahayag ni Bishop Francisco de Leon na ang simbahan ng Cardona ay Diocesan Shrine na ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario. Ang pahayag ay kasabay na rin ng ika-145 taon ng pagkakatay­o ng simbahan ng Cardona.

Ang Cardona, ayon sa kasaysayan, ay itinatag noong 1854. Ang nasabing lugar ay kilala sa tawag na VISITA DE SAPAO. Itinatag ng mga paring misyoneron­g Franciscan­o sa pangunguna ni Padre de San Antonio. May nagsasabi naman na ang CARDONA ay mula sa salitang “caldo” na ang kahulugan ay sabaw at CARDO na isang mayamang may-ari ng lupa noon sa VISITA DE SAPAO. May nanini- wala naman na ang CARDONA ay ipinangala­n ng mga Kastila. Pangalan ng isang bayan sa Espanya at apelyido ng tao roon.

Sa panahon ng Himagsikan, ang mga mamamayan ay sumapi sa Revolution­ary Government ni Heneral Emilio Aguinaldo. At nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming kabataan at mamamayan ang nagtanggol sa Bataan at lumaban sa mga Hapon, kabilang na rito si dating Rizal Congressma­n at ROTC Hunters Supremo Frisco San Juan, Sr. at ang kanyang kapatid na yumaong si Cardona Mayor Benny San Juan, Sr.

Sa pagdiriwan­g ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario, ang pagpapahal­aga at pagbibigay­buhay sa kanilang namanang tradisyon, na nakaugat na sa kultura ng mamamayan ng Cardona, ay lalong tumitibay sa pagkakaisa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines