Balita

MABUTING BALITA

-

Sinabi ni Jesus sa mga Punong-pari at mga Matatanda ng mga Judio: “Makinig kayo sa isa pang halimbawa: May isang may-ari ng bahay na nagtanim ng ubasan… Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka at naglakbay sa malayo. Nang malapit na ang panahon ng anihan, pinapunta ng may-ari ang kanyang mga katulong sa mga magsasaka… Ngunit sinunggaba­n ng mga magsasaka ang kanyang mga katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan.

“Nagpadala uli ang may-ari ng marami pang katulong pero ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila.

“Sa bandang huli, ipinadala na rin niya ang kanyang anak sa pag-aakalang ‘Igagalang nila ang aking anak.’ Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak, inisip nilang ‘Ito ang tagapagman­a. Patayin natin siya at mapapasaat­in ang kanyang mana.’ Kaya sinunggaba­n nila siya, at inilabas sa ubasan at pinatay.

Ngayon, pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasaka? Sinabi nila sa kanya: “… pupuksain niya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasakan­g kaparte sa anihan.”

‘Kay pait, kung ika’y ipagpalit’

Isa sa pinakamasa­kit na karanasan natin ang tayo ay pagtaksila­n, lalo na ng mga taong minamahal natin.

Ganito rin ang maaaninag natin sa kalooban ni Jesus nang isalaysay niya ang talinhaga ng mga kasamang masasama at maiitim ang balak. Sa kabila ng lubos na pagtitiwal­a sa kanila ng may-ari ng lupain, hindi lamang nila sinaktan at pinatay ang mga tauhang ipinadala ng may-ari; dinakip pa nila ang anak ng may-ari at pinatay. Naganap ang malagim na krimeng ito dahil sa kasakiman. Masakit malamang hindi ka iginagalan­g ng mga taong pinakikitu­nguhan mo nang maayos. Lalong masakit malamang hindi ka minahal ng mga taong minahal mo nang lubusan. Ganyan talaga ang buhay. Pero hindi kailangang ganyan “lagi” ang buhay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines