Sakahan at kahirapan
agrikultura ay tuluyang bumababa, at kasunod nito, bumababa rin ang kita ng magsasaka.
Sa kanayunan, ang pagsasaka lamang ang karaniwang trabaho. Kung mababa ang kita, pihado marami ang gutom, marami ang hindi makapagaaral, at marami ang walang access sa health care.
Kapag hindi ito naaksiyunan agad, para na rin nating hinayaang mamatay sa gutom ang ating mga magsasaka. Isipin ninyo, 57 na ang karaniwang edad ng mga magsasaka ngayon. Tatlong taon na lamang, senior na sila, retirado na. Kung walang mapundar ngayon, paano na bukas?
Hindi pa rin naman nagbabago ang mga hinaing ng mga magsasaka. Land tenure hiling nila. Hanggang kailan ba sila magiging tagabungkal ng lupa ng iba?
Nais din nila ng maayos na irigasyon. Lagi na lamang bang tagtuyot sa ilang sakahan kahit panahon na ng tag-ulan?
Nais din nila ng makabagong teknolohiya at kaalaman upang lalong maging mas produktibo ang kanilang lupa.
Kaya lamang, napakahirap para sa ating lipunan na unahin ang sitwasyon ng mga maralita gaya ng mga magsasaka. Parang sa halip na pasulong ang kanilang buhay ay paurong, pabalik at papunta sa kawalan ng pag-asa. Kailan nga ba natin iaangat ang buhay ng marali- tang magsasaka?
Ang prinsipyo ng option for the poor ng Simbahang Katoliko ay mainam na gabay sa isyung ito. Inuudyukan tayo nito na unahin ang mas mahina sa atin. Ang Gaudium et Spes ay pilit tayong ginigising: Pakainin niyo naman ang mga taong namamatay sa gutom. Kung hindi mo sila papakainin, pinapatay mo rin sila.
Ang sektor ng agrikultura ay parang isang naghihirap na indibiduwal na hindi natin pinapakain. Sa ating pagpapabaya, bumaba nang bumaba ang produksiyon nito at naging matamlay. Tayo ang pumapatay sa industriya. Tayo rin ang dapat bumuhay nito.