Balita

John Lloyd, naka-indefinite leave o suspendido?

- Nitz Miralles

NAGLABASng press statement ang ABS-CBN tungkol kay John Lloyd Cruz last Friday, October 6.

“ABS- CBN and John Lloyd Cruz have agreed for him to take an indefinite leave of absence to attend to personal matters.

John Lloyd will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence.”

Gustong malaman ng fans ni John Lloyd kung nag- advance taping ang aktor ng Home Sweetie

Home para napapanood pa rin nila ito habang on leave. Pero malamang na tigil muna ang show habang wala siya.

( Editor’s note: Kumalat ang espekulasy­on na sisibakin ang show, pero ang sabi sa akin ni Ogie Diaz, na isa sa main cast: “Hindi po sisibakin, Kuya Dindo. Una, ang

Home Sweetie Home ay hindi

kahoy para sibakin. #Charot. May mga pagbabago lang po sa show habang naka- leave si JLC. Tuluytuloy pa rin po.)

May mga naniniwala­ng sinuspendi ng ABS-CBN si John Lloyd, ginandahan lang ang ginamit na salita, kaya “leave of absence” ang ginamit sa halip na “suspension.”

Samantala, pinaniniwa­laan na para kay John Lloyd ang post ni

Ellen Adarna na, “Be Free.” May post din si Ellen na, “See you soon, Zermatt! at ang feeling pa rin ng mga nakabasa, hindi lang si Ellen ang pupunta sa nasabing lugar sa Switzerlan­d kundi pati na rin si John Lloyd. Siguro before or after ng sinasabing pagdalo ni John Lloyd sa kasal ng kanyang stylist na si Re Atienza at Jay

Sarmiento sa Paris.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines