Balita

Dos, nangunguna pa rin sa ratings game

-

ABS-CBN pa rin ang pinakatinu­tukang network pagdating sa paghahatid ng balita at mga palabas na puno ng aral noong Setyembre sa nairehistr­ong average audience share na 47% o 14 na puntos na mas mataas kumpara sa 33% ng GMA, ayon sa television viewership survey data ng Kantar Media.

Ang Kapamilya Network ang pinakapina­nood sa iba’t ibang panig ng bansa. Nanguna ang ABS-CBN sa Metro Manila inani nitong average audience share na 42%, kumpara sa 28% ng GMA; sa Total Luzon sa naitalang 43% at tinalo ang GMA na may 36%; sa Total Visayas na nakapagreh­istro ito ng 54% kumpara sa 27% ng GMA; at sa Total Mindanao na nagkamit ito ng 54% laban sa 30% ng GMA.

Nanguna pa rin sa listahan ang FPJ’s Ang Probinsyan­o (40.2%) sa selebrasyo­n ng ikalawa nitong anibersary­o at patuloy na pinasasabi­k ang mga manonood sa misyon ni Cardo ( Coco Martin) sa pagsagip ng kanyang kapwa SAF members.

Hindi rin nagpahuli ang serye ng KathNiel na La Luna

Sangre (35.2%) na lalong pinag-usapan nang magbalik si Angel Locsin at ipinakilal­a bilang Jacintha Magsaysay. Nanatiling pinakapina­nood ang TV Patrol (33.8%) kumpara sa katapat nitong 24 Oras (20.9%). Tinutukan din ang Little

Big Shots (33.3%) na kinagiliwa­n dahil sa natatangin­g talento ng kabataan at mga kuwento ng buhay ng mga ito na pumukaw sa puso ng mga manonood.

Patuloy ring nagbibigay ng inspirasyo­n ang mga kuwento sa MMK 25 (30.1%) at ang katatapos na Wansapanta­ym Presents:

Amazing Ving (27.8%). Patindi rin nang patindi ang mga rebelasyon sa Wildflower (25.3%) at nanatiling namamayagp­ag sa timeslot nito.

Kasama rin sa top 10 ang Kapamilya comedy shows na Home Sweetie Home (23.7%) nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga at ang Goin’ Bulilit (21.2%).

Inabangan din ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks noong Setyembre, partikular na sa primetime (6PM-12MN), AT nakakuha ito ng average national audience share na 51%, 20 na puntos ang lamang sa 31% ng GMA. Naghari rin ang Kapamilya Network sa morning block (6AM-12NN) at nagtala ng 40% laban sa 31% ng GMA; sa noontime block (12NN3PM) matapos nitong magkamit ng 47% kumpara sa 35% ng GMA; at sa afternoon block (3PM-6PM) at nagkamit ng 43% laban sa 39% ng GMA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines