Balita

Naramdaman ko ang sincerity ni Aiko --Ara

- Ni JIMI C. ESCALA

HALOSdalaw­ang dekada rin ang naging gusot nina Aiko Melendez at Ara Mina na kamakailan ay nagkaayos na sa burol ng ama ng aming kapatid sa PMPC na si Rommel Placente.

Sey ni Ara, after 16 years ay nagkausap na sila.

“Tumabi sa akin si Aiko at kinamusta niya ako. So, then, tuluy-tuloy ang kuwentuhan namin. Sobrang naramdaman ko ang sincerity niya. Kumbaga, nabura lahatlahat, parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko talaga,” kuwento ni Ara.

Nagsimula ang sigalot nina Ara at Aiko nang makaroon ng relasyon ang una kay Jomari Yllana noong 2001. Kasal pa noon si Aiko kay Jomari, na-annul sila noonh 2003. Nagdagdaga­n pa ang away ng da;awa nang makarelasy­on naman ni Aiko si Mayor Patrick

Meneses ng Bulacan – na alam naman ng lahat na ama ng anak ni Ara Mina. So, willing na ba si Ara na makasama si Aiko sa isang project?

“Bakit naman aayaw pa tayo? Ngayong pang magkaayos na kami. Kung noon ngang medyo and’yan ang tampuhan namin, eh, walang problema naman sa akin, ngayon pa kaya, di ba?” balik-tanong ng aktres.

Samantala, parehong tagaQuezon City sina Ara at Aiko at parehong may intensiyon noon pa na mapaglingk­uran ang constituen­ts nila. Willing din ba si Ara na makasama si Aiko sa iisang partido kung pareho silang tatakbo sa susunod na eleksiyon?

“Okey lang ‘yun, pero parang hindi na tayo interesado sa pulitika,” maikling tugon pa rin ng aktres.

 ?? Aiko at Ara ??
Aiko at Ara

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines