Balita

Dabarkads, lalong tumibay

- Ni NORA CALDERON

ALL’Swell that ends well, sabi nga, dahil lalong tumibay ang samahan ng Dabarkads

ng Eat Bulaga pagkatapos na malinawan ni Joey de Leon ang pagkakamal­i niya tungkol sa depression -- na iba sa stress.

Agad siyang humingi ng paumanhin kay Maine

Mendoza bago nagsimula ang segment nilang “Juan For All, All For Juan” last Friday afternoon.

Si Maine kasi ang nagwasto na hindi biro ang magkaroon ng depression, ‘di tulad ng sinabi ni Joey na gawagawa lang ito ng mga tao.

Inamin ni Joey na hindi naman niya alam ang lahat ng bagay sa mundo at nalinawan niya ito nang umuwi siya ng bahay kinagabiha­n at sinabihan siya ng asawang si Eileen Macapagal na mali ang pagkaintin­di niya sa salita. Iyon din ang paliwanag sa kanya ng mga anak niya.

Kaya noong oras na iyon, tinawagan agad niya si Maine at humingi ng sorry. Maging si Alden Richards ay nag-post din sa pamamagita­n ng Twitter.

Si Ryan Agoncillo ay umamin na dumanas na rin ng depression.

Kaya ang huling wika ni Joey: “Let’s spread awareness. Love you all!”

Sina Alden at Maine naman, tahimik lamang na nakikinig at nang tawagin sila ni Joey, nagbigay lang ng Korean heart sign si Alden, at si Maine naman isang matamis na ngiti ang isinagot. Ayon sa mga insider, lumapit sina Alden at Maine kay Joey, nagyakapan silang lahat kasama sina Ryan at Allan K.

May nag-post sa Instagram ng, “The first to apologize is the bravest, The first to forgive is the strongest. And the first to forget is the happiest...”

 ?? Ryan at Maine ??
Ryan at Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines