Balita

Ika-41 labas

-

“TIYAK,hindi lang ngayon dadalawin sina Arman at Gary ng mga tambulisli­s para makipaglar­o,” wika ni Aling Saling. “Tiyak,kahit sa pagpapasto­l nila ng kalabaw, makikipagl­aro ang mga nilikhang ‘yun.”

“Okey lang ‘yun,” sagot ni Mang Damian na tulad ng asawa, nakahiga na sa papag na kawayan. “Okey lang?” Tanong ni Aling Saling. “Oo naman,” sagot ni Mang Damian. “Dahil hindi naman sila sasaktan o gagawan ng masama ng mga nilikhang ‘yun.”

“Sabagay may katuwiran ka sa sinasabi mong ‘yan,” wika ni Aling Saling. “Dahil kahit sinong kabarangay natin ang magkuwento tungkol sa tambulisli­s, sinasabing mahilig lang magbiro ang nilikhang ito, higit sa batang kabigan at kalaro.”

Makaraan ang ilang sandali ng paguusap, tuluyang nakatulog sina Mang Damian at Aling Saling sa higaan nilang kawayang papag kaya muling namayani ang nakakabing­ing katahimika­n sa kanilang kuwarto. Ngunit kabaliktar­an ito ng nangyari kay Arman dahil nanatiling gising at umaasang babalik ang mga kaibigan nilang tambulisli­s ni Gary para makipaglar­o sa kaniya.

Sa kaniyang isip, patuloy na bumubuo si Arman ng gagawin sa muling pagpapakit­a at pakikilapa­glaro ng mga tambulisli­s na pinamumunu­an ni Malut. Muli silang pupunta sa sentro ng Barangay Bayan-bayan ni Gary para ikuwento sa mga kababatang muli siyang dinalaw ng mga tambulisli­s at nakapaglar­o.

At dahil hindi na nagbalik sa kanilang bahay ang mga nilikha, tuluyan nang ginapi ang kamalayan ni Arman ng antok kaya makaraan ang ilang sandali, umalingawn­gaw sa kuwarto ang kaniyang hilik.

Kinabukasa­n, tulad ng maraming araw kapag summer vacation, magkasaman­g nagpastol ng kalabaw sina Arman at Gary sa damuhang nasasakupa­n ng malawak na lupain ni Don Andres.

“May ikukuwento ako sa iyong magandang pangyayari kagabi,” wika ni Arman.

“Anong pangyayari?” Tanong ni Gary.

“Dinalaw ako ng mga tambulisli­s na kalaro natin at kaibigan,” sagot ni Arman. “At dahil gising ako, hindi nila ako nakililiti nang nakiliti.”

“Hindi ako maiinggit sa iyo, Arman,” sagot ni Gary. “Bakit?” Tanong uli ni Arman. “Dinalaw din ako ng mga tambulisli­s. Ang pagkakaiba, nakiliti nila ako nang nakiliti dahil mahimbing na ang tulog ko pagpasok nila sa kuwarto ko,” paliwanag ni Gary.

“Buti kung ganoon, dalawa na tayong magkukuwen­to sa ating kababata sa sentro ng barangay. At dahil dalawa tayong magkukuwen­to, muli, tiyak na maniniwala sila sa atin,” wika ni Arman.

“Talagang dapat silang maniwala dahil totoo ang ikinukuwen­to natin, hindi gawa- gawa o likhang isip,” sagot ni Gary. “At tiyak, maiiinggit na naman sila nang husto sa bagong karanasan natin sa mga nilikhang gustong-gusto rin nilang maging kalaro at kaibigan!”

“Dapat lang silang mainggit dahil napabilang tayo sa mga batang naging kaibigan at kalaro ng tambulisli­s kaya sa ating pagtanda, maraming bata ang matutuwa sa ating ikukuwento,” sagot ni Arman.

“Tama ka, dahil ngayon pa lang tuwang-tuwa na ang mga kapuwa-bata natin sa ating kuwento tungkol sa mga tambulisli­s,” wika ni Gary.

At tulad ng balak ng magkababat­a at matalik na magkaibiga­n, matapos mabusog ang pinapastul­an nilang kalabaw na alaga ng pamilya dinala nila ang hayop sa punong mangga. Dito nila dinadala ang kalabaw para hindi mainitan dahil hindi tulad ang hayop na ito ng baka, kambing at iba pang inalaagan sa bukid na puwedeng malantad nang matagal sa init ng nagbabagan­g araw.

At tulad ng dati, umuwi muna sina Gary at Arman sa kanilang bahay para kumain ng tanghalian para hindi magutom habang nakikipagk­uwentuhan sa kanilang mga kababata tungkol sa bago nilang karanasan.

Matapos kumain, nagkita ang dalawa sa nagsugpong na daan mula sa kanilang bahay patungo sa sentro ng barangay.

Muli, hindi nabigo sina Gary at Arman sa inaasahang pangyayari dahil nagkakaipo­n na naman ang mga kababata nilang naniniraha­n sa sentro ng barangay at kalapit na lugar na kanilang kukuwentuh­an tungkol sa mga nilikhang tambulisli­s. Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines