Balita

Thunder, malupit sa Pelicans

-

OKLAHOMA CITY (AP) – May isang quarter na naipamalas ng Oklahoma City Thunder ang katatagan kasama ang dalawang bagong recruit hanggang tapusin ng bench player ang laban tungo sa 102-91 panalo kontra New Orleans Pelicans, nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa NBA pre-season game.

Matikas na nakisalo si Russell Westbrook sa opensa ng bagong kasanggang sina Paul George at Carmelo Anthony para sa 28-26 bentahe sa first period.

Pinangunah­an ni George ang laban sa second period para hilahin ang bentahe ng OKC sa 15 puntos.

Nanguna si Jrue Holiday sa Pelicans, ngunit sa sandaling magpahinga ang star players, ratsada ang Oklahoma bench sa 19-4 run upang tuluyang makalayo sa final period.

Tumapos si George na may game-high na 25 puntos, habang kumana sina Westbrook at Anthony ng tigsiyam na puntos.

Kumubra si Anthony Davis ng 14 na puntos at pitong rebound sa Pelicans, habang nag-ambag si DeMarcus Cousins ng 13 puntos.

BULLS 114, BUCKS 101 Sa Milwaukee, sa kabila ng pagluluksa sa kamatayan ng ama, ratsada si Giannis Antetokoun­mpo sa pre-season debut ng Milwaukee Bucks, ngunit hindi sapat ang kanyang lakas para madaig ng Chicago Bulls.

Hataw si Antetokoun­mpo ng game-high na 24 puntos.

Nanguna si Justin Holiday sa Bulls sa naiskor na 21 puntos tampok ang limang triples, habang kumana sina Nikola Mirotic, reserves Denzel Valentine at Bobby Portis, ng tig-15 puntos.

Kumubra sa Bucks sina Khris Middleton at Greg Monroe sa naiskor na 14 at 10 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines