Balita

UST at FEU beach belles, umusad sa UAAP

-

NANATILING matatag ang defending champion na University of Santo Tomas at Far Eastern University sa women’s standings nitong Biyernes, sa UAAP beach volleyball tournament sa Sands SM By The Bay.

Kinaldag ng Tigresses na sina Cherry Rondina at Caitlyn Viray ang tambalan nina Bea de Leon at Jules Samonte ng Ateneo, 22- 20, 21- 15, para sa ikatlong sunod na panalo.

Nanaig naman sina Bernadeth Pons at Kyla Atienza, ng Lady Tamaraws, kontra kina Tin Tiamzon at May Luna ng De La Salle, 21- 23, 21- 14, 15- 10 para sa 3- 0 marka.

Samantala, nagwagi ang National University sa men’s division nang makaungos sina Bryan Bagunas at James Natividad kontra kina KR Guzman at Anthony Arbasto sa UST, 21- 19, 13- 21, 1816.

Nangunguna ang Bulldogs, three- time champion, tangan ang 3- 0.

Namayani naman sina Diana Carlos at Ayel Estrañero ng University of the Philippine­s via 2113, 23- 21 desisyon kontra kina Bern Flora at Chrislyn Uy ng Adamson University.

Nakausad naman sa winning column ang University of the East nang magwagi sina Judith Abil at Angelica Dacaymat kontra kina Roma Doromal at Audrey Paran ng National University, 21- 14, 1921, 15- 11.

Nakisosyo ang Lady Warriors sa Lady Eagles, Lady Spikers, at Lady Falcons na may 1- 2 karta.

Sa iba pang men’s results, nanaig ang FEU sa Ateneo, 21- 9, 15- 21, 15- 12; at UP, 21- 17, 21- 17; habang nakabawi ang Blue Eagles nang pataubin ang La Salle, 21- 12, 22- 20.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines