Balita

Tatapusin na ng Kings?

- Ni MARIVIC AWITAN Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 6:30 n.g. -- TNT Katropa vs. Ginebra

GANAP na tapusin ang serye upang makausad na muli sa kampeonato. Ito ang tatangkain ng Barangay Ginebra sa muli nilang pagtutuos ng TNT Katropa sa Game 4 ng kanilang best of 5 semi-finals series sa 2017 PBA Governor’s Cup sa Araneta Coliseum.

Nagpamalas ng end game composure ang Kings noong Game 3 upang magapi ang Katropa, 106-103, at makamit ang 2-1 bentahe sa serye nitong Biyernes ng gabi.

Dahil dito, isang panalo na lamang ang kailangan nila upang makabalik ng finals at maidepensa ang hawak nilang titulo.

Ngunit sa kabila ng hawak na bentahe, batid ni Coach Tim Cone na hindi pa tapos ang laban nila.

“That was a great game for both teams. Both teams played well and it just came down to the last shot. It went in our favor,” pahayag ni Cone.

“But the series isn’t over, the series isn’t won. This just gave us the lead.

“It’s nice to have (the lead), but certainly not a safe one especially against a team like TNT,” dagdag ni Cone. “Very pleased but job isn’t done yet. We still got a lot of work.”

At gaya ng sinabi ni Cone, hindi basta-basta na lamang susuko ang Katropa.

“We will never back down,” pahayag ni Katropa Coach Nash Racela.”We just have to find ways. “

Inaasahang mas magiging matindi ang bakbakan ng dalawang koponan kasunod ng napakainit na laro noong Game 3 na umabot pa sa labas ng court matapos nagresulta sa palitan ng maaanghang na salita nina TNT Coach Nash Racela at SMC Sports Director Alfrancis Chua.

Ang malaking diperensiy­a sa bilang ng fouls at free-throw ng magkabilan­g koponan ang nakikitang dahilan ng matinding sagutan ng dalawang team officials.

Nabigyan lamang ng 14 na pagkakatao­ng makapag-free throw ang TNT, at nakabuslo sila ng 12 kumpara sa 43 ng Ginebra, na nakabuslo naman ng 30.

 ?? RIO DELUVIO ?? PATAWAD PO! ‘Tila humihingi ng paumanhin si TNT Coach Nash Racela sa babaeng referee na muling tumawag ng kuwestiyon­ableng foul sa panig ng Katropa, sa laro kontra sa Ginebra Kings nitong Biyernes. Nanaig ang Kings.
RIO DELUVIO PATAWAD PO! ‘Tila humihingi ng paumanhin si TNT Coach Nash Racela sa babaeng referee na muling tumawag ng kuwestiyon­ableng foul sa panig ng Katropa, sa laro kontra sa Ginebra Kings nitong Biyernes. Nanaig ang Kings.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines