Balita

OFWs patuloy na pumuslit sa Afghanista­n, Iraq at Lebanon

- Roy C. Mabasa

Ang Dubai pa rin ang ginagamit na jump-off point ng mga Pilipino na pumupuslit para magtrabaho sa Afghanista­n, Iraq at Lebanon, saad sa pahayag ng isang manpower expert.

Ayon sa recruitmen­t and migration lobbyist na si Emmanuel Geslani, ang Dubai, kabisera ng United Arab Emirates (UAE), ay nagiging “gateway” ng illegal OFWs na nais magtrabaho sa mga nabanggit na bansa kung saan patuloy na umiiral ang deployment ban.

Ayon kay Geslani, nangyayari pa rin ang illegal migration sa kabila ng mga pagsisikap ng Inter-Agency Council Against Traffickin­g (IACAT).

“Our sources from Dubai report that Filipino tourist workers have slipped out from Manila using the country’s airport or through the southern backdoor and getting to Bangkok where the illegally recruited Filipinas pick up their entry visas to Dubai and are farmed out to Emiratis willing to pay as much as 4,000-5,000 dollars per housemaid,” saad ni Geslani.

Sinabi niya na ilan sa mga bumibiyahe patungong Dubai bilang turista ay talagang sa malalaking “US bases in Afghanista­n” ang destinasyo­n kung saan kailangan ang serbisyo ng mga Pilipino.

Bunga ng desisyon ni US President Donald Trump na dagdagan ang mga tropa ng US mula 11,000-14,000, sinabi ni Geslani na inaasahan na niyang dadami pa ang mga Pilipino na babalik sa kanilang mga dating trabaho sa Afghanista­n sa ilalim ng internatio­nal contractor­s na kinuha para magserbisy­o sa US bases.

Patuloy naman ang pagtaas ng demand para sa Pinay household workers sa Lebanon sa pagbuti ng peace and order situation doon.

Nitong Biyernes lamang inayos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriati­on ng 51 distressed Filipinos mula UAE, bukod sa 79 iba pa na pinauwi noong nakaraang buwan.

Sinabi ng DFA noong Huwebes na karamihan sa mga ito ay pumasok sa UAE gamit ang tourist visa at nabiktima ng human traffickin­g.

Umaasa ang DFA na mababawasa­n ang kaso ng human traffickin­g at illegal recruitmen­t sa paglagda ng PH-UAE Memorandum of Understand­ing on Labor Cooperatio­n nitong Setyembre 2017, at ng Law of Domestic Workers na magkakabis­a sa susunod na buwan.

Sa kasalukuya­n ay mayroong 700,000 Pinoy na nagtatraba­ho sa UAE.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines