Balita

2 ‘Akyat-Bahay’ iginapos, ipinahuli ng biktima

- Orly L. Barcala

Hindi nagtagumpa­y sa panloloob ang apat na miyembro ng “Akyat-Bahay” nang maaresto at igapos ang dalawa sa kanila matapos magising ang may-ari ng bahay na kanilang pinasok sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni SPO4 Armando De Lima, officer-in-charge ng Station Investigat­ion Unit ( SIU), kay Chief Inspector Rhoderick Juan, head ng Station Investigat­ion and Detective Branch (SIDMB), kasong robbery ang kinakahara­p ng mga suspek na sina Ruben Navilla, 19, ng No. 1143 Bernardino Street, Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod; at Marco Duque, 18, ng No. 6111 B. Lower Tibagan, Gen. T. De Leon.

Nakatakas naman ang dalawa nilang kasama na kinilala sa mga alyas na “Ace Dave” at “Mark Angelo”, na kapwa umano nagsilbing lookout.

Ayon kay SPO3 Alexander Manalo, pinasok ng mga suspek ang bahay ni Pedro Alivia, 61, sa Avocado St., Gen. T. De Leon, dakong 1:20 ng madaling araw.

“Umakyat ang dalawang suspek sa concrete fence nung bahay ng mga Alivia at isinira ang sliding door, tapos ‘yung dalawa nilang kasamahan ay nagsibing lookout sa labas ng bahay,” ani SPO3 Manalo.

Habang ninanakaw nina Ruben at Marco ang mga gadget at P5,000 cash ng pamilya Alivia ay nagising sa kaluskos ang asawa ni Pedro, kaya naman ginising nito ang kanyang anak at marahan na lumabas mula sa kuwarto.

Dito nila nahuli sa akto sina Navilla at Duque at sinunggaba­n ng mag- amang Alivia at saka iginapos ang mga suspek at nagpasaklo­lo sa Police Community Precinct (PCP) 2.

Narinig nina Ace Dave at Mark Angelo na nagkagulo sa loob ng bahay ng mga biktima kaya kumaripas na ang mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines