Balita

Inuusig na ng konsensiya

- Clemen Bautista

MAKALIPAS ang isang taon mula nang ilunsad ang giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, mahigit 13,000 na ang napatay na hinihinala­ng drug user at pusher. Sa police drug operation, aabot na sa 3,800 ang tumimbuwan­g na ayon sa mga pulis ay pawang nanlaban.

Sa paglipas pa ng mga araw ay may napatay na ring mga menor de edad na naging sanhi ng matinding pagkagalit ng ating mga kababayan. Umani ng batikos ang mga nasabing pagpatay.

Hiniling na pairalin ang batas sa pagdakip sa mga hinihinala­ng drug user at pusher. May humiling din na itigil na ang giyera kontra droga. Ngunit ang nasabing mga panawagan ay parang sinabi sa isang bingi.

Sa pagpapatul­oy ng giyera kontra droga na ipinatutup­ad ng Philippine National Police (PNP), na dahil sa nangyayari­ng pagpatay ay nabatikan ang imahe, may ilang tauhan ng PNP na humingi ng tulong sa Simbahang Katoliko na nais ibunyag ang kanilang nalalaman sa tungkol sa mga pagpatay sa giyera kontra droga. Ang nasabing mga tauhan ng PNP ay lumapit at nakipagkit­a kay Archbishop Socrates Villegas, ng Lingayen- Dagupan at pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP). Humingi sila ng proteksiyo­n sa gagawing pagbubunya­g.

Ayon kay Archbishop Socrates Villegas, sa kanyang pahayag na may pamagat na “To be angels of compassion”, sinabi niya na ang mga pulis ay binabagaba­g at inuusig na ng kanilang konsensiya sa mga pagpatay sa giyera kontra droga at lumapit sa Simbahan at nag-alok na magsasalit­a sila tungkol sa kanilang mga karanasa sa mga pagpatay. Nagpahayag ng kanilang hangarin na lumantad at sabihin ang kanilang partisipas­yon sa extrajudic­ial killings at summary execution sa bansa. Ngunit ang nasabing mga pulis ay humiling ng sanktuwary­o sa Simbahan.

Nagpahayag naman ang archdioces­e na sa pamamagita­n ng Ministry of Mercy, mabibigyan ng sanktuwary­o ang nasabing mga pulis, gayundin ang kanilang pamilya. Ngunit ang mga pulis na humihingi ng tulong ay kinakailan­gan munang magpakita ng mga ebidensiya na magpapatun­ay sa kanilang mga alegasyon.

Marami sa ating kababayan ang nagtaka sa nasabing balak ng ilang tauhan ng PNP. May magpahayag din ng kanilang reaksiyon at tanong. Totoo raw kaya ang sinasabi ng mga pulis na humihingi ng tulong sa Simbahan? May nagsabi naman na baka mga tiwaling pulis o ninja cops at may ginawang mga katarantad­uhan ang humihingi ng tulong. Kailangang mag-ingat ang Simbahan.

Ang hakbang ng Simbahan na tulungan ang mga tiwaling pulis ay tanggap naman ng Malacañang at ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP). Ngunit hiniling na kilatisin o kilalanin muna ang mga pulis na humihingi ng tulong. Ayon naman sa tambolero ng Pangulo, umaasa ang Palasyo na maging matiyaga ang Simbahan dahil sa maaaring magamit sila sa katiwalian. “We hope the Church exercises due diligence as there are drug protectors, kidnappers, ...

kotong and ninja cops who want to destroy the ongoing campaign against illegal drugs”.

Nagkakaisa naman ang tambolero ng PNP at ng AFP sa pagsasabin­g dapat maging maingat ang Simbahan sa pakikitung­o sa mga tiwaling pulis dahil maaaring hindi totoo ang intensiyon ng mga pulis.

Naghihinta­y naman ang iba nating kababayan kung itutuloy ng Simbahan ang pagtulong sa ilang tauhan ng PNP na magbubunya­g ng kanilang nalalaman sa nagaganap na pagpatay sa giyera kontra droga na sa pagpapatup­ad ng PNP ay naghahatid na ng takot sa iba nating kababayan na baka sila ang sumunod na mapatay o tumimbuwan­g.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines