Balita

Mahalaga ang suporta ng taumbayan, hindi ng militar

- Ric Valmonte

SA pulong na ipinatawag ni Pangulong Duterte sa Malacañang para sa mga mamamahaya­g, ikinuwento niya na sinabi niya sa mga pulis at sundalo sa kanilang command conference na magbibitiw siya kapag napatunaya­n nilang mayroon siyang tagong yaman. Puwede raw nilang rekesahin ang mga bank records sa Anti-Money Laundering Council (AMLC). Pero, may mataas na opisyal ng militar na dumalo sa nasabing command conference na nagsabing pahapyaw lang na binanggit ng Pangulo ang alegasyong tagong yaman laban sa kanya at hindi na niya ito tinalakay. Binigyang-diin lang daw ng Pangulo ang kanyang malaking sakripisyo para makatakbo sa panguluhan.

Ngunit, kung nabanggit man ng Pangulo sa command conference ang isyung tagong yaman laban sa kanya, wala silang pakialam dito, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana. “Kaming mga nasa military at pulisya,” wika niya, “kinokonsid­era naming hindi sakop ng aming trabaho ang bagay na ito.” May mas mahalagang bagay pa raw na dapat nilang pagtuunan ng pansin.

Maaaring para kay Sec. Lorenzana, walang bagay iyong ibinibinta­ng kay Pangulong Duterte na mayroon itong tagong yaman. O kaya, binabalewa­la lang niya ito. Pero, sa Pangulo, mabigat na pasanin ito sa pagpapatak­bo niya ng gobyerno. Napakalaki ng epekto nito sa kanyang kredibilid­ad at sinseridad na mamumuno at magpasunod.

Kaya, unang-una, kung totoong sinabihan niya ang mga pulis at sundalo na sa oras na mapatunaya­n nila na mayroon siyang tagong yaman, siya ay magbibitiw, “defense mechanism” niya ito, ayon kay Security Expert Chester Cabalza. Nangangamb­a siya na baka pagdudahan na ng security sector ang kapasidad niyang mamuno.

Ikalawa, kaya matindi ang kanyang galit sa mga nag-iimbestiga sa kanya. Lilikha siya ng Presidenti­al Commission na mag-iimbestiga sa mga opisyal ng Ombudsman na nag- iimbestiga sa kanya. Kasunod ito ng paghahayag na hindi siya magpapaimb­estiga. Ayaw niyang lumagda ng waiver na siyang hamon sa kanya ni Sen. Trillanes, na naghabla sa kanya sa Ombudsman, para pabuksan ang kanyang mga bank account. Tagong yaman din at hindi niya ito idineklara sa kanyang Statements of Assets and Liabilitie­s Network (SALN) na isa sa mga isyung pinapanago­t niya kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng Korte Suprema. Hindi, aniya, ideneklara ni Chief Justice sa kanyang SALN ang kinita niya bilang abogado...

ng PIATCO. Ano ang moral authority mo na papanaguti­n ang isang tao sa pagkakasal­ang ikaw din ay responsabl­e dito?

Itinuturo ng ating kasaysayan na hindi nagbubuhat sa mga militar at pulis ang kilusan laban sa pinuno ng bansa para patalsikin ito. Tungkulin nilang ipagtanggo­l ang Republika, ayon sa Saligang Batas. Pero, kapag ang taumbayan na ang kumilos, tulad ng kanilang ginawa laban sa diktadurya­ng Marcos, mahihila nila ang puwersa ng militar sa kanilang panig. Kaya, higit na mahalaga sa isang lider, na iniluwal ng demokratik­ong proseso, ang pagmamahal ng taumbayan kaysa suporta ng militar. Maliban na lang kung aagawin mo sa taumbayan ang kanilang kapangyari­han, gaya ng ginawa ni dating Pangulong Marcos.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines