Balita

MABUTING BALITA

-

Jon 1:1—2:1-2, 11 ● Jon 2 ● Lc 10:25-37

May tumindig na isang guro ng Batas para subukin si Jesus. Sinabi niya: “Guro, ano ang gagawin ko para makamit ang buhay na walang hanggan?” Sumagot sa kanya si Jesus: “Ano ba ang nasusulat sa Batas, at paano mo ito naiintindi­han?” Sumagot ang guro ng Batas: “‘Mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso at nang buo mong kaluluwa at nang buo mong lakas at nang buo mong pag-iisip.’ At nasusulat din naman: ‘Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ ”

Noo’y sinabi ni Jesus sa kanya: “Tama ang sagot mo. Gawin mo ito at mabubuhay ka.” Pero gustong mangatwira­n ng guro ng Batas kaya sinabi niya kay Jesus: “At sino naman ang aking kapwa?” Sinagot siya ni Jesus: “May isang taong bumaba mula sa Jerusalem papunta sa Jerico at nahulog siya sa kamay ng mga tulisan. … binugbog at saka iniwang halos patay na. Nagkataon namang may isang paring pababa rin sa daang iyon. … Gayundin naman, may isang Levitang napadaan sa lugar na iyon; nang makita siya’y lumihis din ito ng daan.

“Pero may isang Samaritano namang naglalakba­y na napadaan… pagkakita nito sa kanya, naawa ito sa kanya. … Isinakay nito ang tao sa sarili niyang hayop at dinala sa isang bahay-panuluyan at inalagaan.

PAGSASADIW­A:

Guro, ano ang gagawin ko para makamit ang buhay na walang hanggan?— Nananatili­ng sukatan ng kaligtasan ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa gaya ng ating sarili. Hindi maaaring paghiwalay­in ang pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa ating kapwa. Hinihingi ng tunay na pagmamahal sa Diyos ang pagsasagaw­a nito sa pamamagita­n ng konkretong pagpapadam­a ng awa at habag sa ating kapwa maging ano man ang kanyang kulay, kasarian, relihiyon, o katayuan sa buhay. Madali sanang magmahal kung ang mamahalin lamang natin ay ang mga taong nagmamahal din sa atin katulad ng ating mga mahal sa buhay, mga kaibigan, o pinagkakau­tangan ng loob.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines