Balita

Kuryente, fake news

- Bert de Guzman

BAGO nauso at namayagpag ang tinatawag na “fake news” o sa Tagalog ay “pekeng mga balita”, ang tawag noon ng mga journalist na biktima ng maling report sa pagsusulat o pag-uulat (sa radyo at TV), ay “nakuryente.”

Inaakusaha­n ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang Liberal Party at ang Communist Party of the Philippine­s (CPP) na nagsasabwa­tan upang siya’y mapatalsik sa puwesto. Naniniwala rin si Mano Digong na nagpapagam­it umano sina SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita CarpioMora­les sa mga “Dilawan” upang siya’y bumaba sa trono.

Dahil dito, sinabi ni PRRD na ipupursige niya ang pagpapa-impeach sa dalawang babaeng may “balls”-Sereno at Morales. Ginawa ng Pangulo ang banta sa impeachmen­t ilang araw matapos ihayag ng Office of the Ombudsman na iimbestiga­han nito ang bank accounts niya na naglalaman umano ng milyun-milyong piso na hindi idineklara sa kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilitie­s and Net Worth).

Bilang pagsuporta sa conspiranc­y angle o sabwatan ng LP (Dilawan) at ng CPP, tiniyak ng Office of the Solicitor General (OSG) na gagawing lahat ang makakaya para mausig at maipabilan­ggo sina Antonio Trillanes IV, Sereno, Morales, Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang at iba pang kritiko ng Pangulo.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, nag- iipon na sila ng mga impormasyo­n at ebidensiya na susuporta sa mga charges laban kina Trillanes, Sereno, Morales, Carandang at iba pa. Hindi ba ganito rin ang naging role noon ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II nang hanapan ng mga kaso at dikdikin si Sen. Leila de Lima? Ngayon, maraming ipakukulon­g si Calida.

Inakusahan ni PDU30 si Trillanes na may relasyon umano kay lawyer Julia Baccay-Abad, dating executive director ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Kulasisi raw ng senador si Baccay na pinagbibin­tangang nagbigay ng bank accounts records ng Pangulo. ...

Mahigpit itong pinabulaan­an ni Trillanes at sinabing nawawala na sa tamang pag-iisip si PRRD.

“Nagkakawin­dang-windang na ‘yung kanyang pag-iisip. ‘Di ako magugulat na one day masisiraan ng bait ito,” ganti ng senador. Itinanggi niya ang alegasyon ni Pres. Rody sa pagsasangk­ot sa away nila kay Julia Baccay-Abad na isang disenteng tao, may pamilya at very profession­al sa pagtupad sa tungkulin bilang AMLC executive director.

Hindi pa nakuntento ang Pangulo sa akusasyon, minaliit niya ang pagkalalak­i ni Trillanes na batay umano sa kanyang nabalitaaa­n, “isa lang ang kanyang bayag.” Hinamon din niya ng barilan (gun duel) ang senador. Matuloy kaya ang gun duel o isa na naman itong JOKE ONLY?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines