Balita

NANDUKOT, NAMUGOT

Pinoy NY plotter dating lider ng kidnap group sa Mindanao

- Ni REY G. PANALIGAN

Bago pa man nagplano ng pag-atake sa New York sa Amerika noong nakaraang taon, kinasuhan ng kidnapping at murder sa Department of Justice (DoJ) ang Pilipinong terorista na si Dr. Russel Langi Salic.

Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nahaharap sa mga kasong kriminal si Salic sa DoJ makaraang kasuhan ng limang residente ng Iligan City na sina Gabriel Tomatao Permitis, Alfredo Sarsalejo Canoos, Esperanza Permitis, Adonis Antipisto Mendez, at Julito Permitis Janubas.

Batay sa kaso, dinukot umano ng grupo ni Salic sina Jaymart Capangpang­an at Salvador Janubas noong 2016, at kalaunan ay pinugutan.

Nakasaad sa reklamo na dinala ang mga biktima sa Butig, Lanao del Sur, kung saan orihinal na nagkuta ang Maute Group.

Inakusahan nila si Salic bilang utak ng grupong nagsasagaw­a ng mga pagdukot.

Ayon pa sa mga nagreklamo, nakipag- usap umano si Salic sa mag- asawang Cayamora at Farhana Maute, mga magulang ng Maute Brothers. Matatandaa­ng kinasuhan ng rebelyon ang magasawa kaugnay ng pagkubkob ng Maute sa Marawi City noong Mayo 23.

Sa kabila ng mga kinahahara­p na kaso sa Pilipinas, kinumpirma kahapon ni Aguirre na isusulong ng gobyerno ang extraditio­n ni Salic sa Amerika kaugnay ng pagkakasan­gkot nito sa tangkang terrorist attack sa New York noong 2016.

Bukod kay Salic, kinasuhan din sa tangkang pag-atake ang Canadian na si Abdulrhama­n El Bahnasawy at ng US citizen na si Talha Haroon. Sa New Jersey inaresto si El Bahnasawy, habang sa Pakistan naman dinakip si Haroon. Si Salic ang nagpondo sa pinlanong terrorist attack.

Abril ngayong taon nang naaresto sa Pilipinas si Salic, at simula noon ay nakapiit sa National Bureau of Investigat­ion (NBI).

“We have to begin the extraditio­n proceeding­s being requested by the US. We have a process to be followed and this has been done many times in the past. The preliminar­y investigat­ion will continue, in the meantime,” saad sa pahayag ni Aguirre.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines