Balita

‘Wag kang umastang kawawa —Ogie Diaz

- --Reggee Bonoan

HINDI pinalampas ni Ogie Diaz ang pahayag ni Xander Ford, kaagad din niyang sinagot sa kanyang social media account.

“Dear Xander Ford, Di ko alam kung saan mo napulot ‘yung hinuhusgah­an kita. Hindi kita hinuhusgah­an. Pinapayuha­n kita.

“Alam ko nakinig ka ng radio program namin ni MJ Felipe kanina. Pero hindi kita hinusgahan. Kung huhusgahan kita, eh, di sana, inokray ko ‘yung itsura mo ngayon. Ang sinasabi ko, anak, kung nabago ang itsura mo, sana pati pag-uugali mo.

“Kung sinasabi mong hindi totoo ang lahat ng akusasyon sa ‘yo ng pagyayaban­g at pagmamaldi­ta mo sa marshalls ng ABS-CBN at pagtaklob ng hood sa mukha mo dahil ayaw mong pagkaguluh­an ka ng mga fans, depende naman ‘yan kung sino sa ating dalawa o sa mga nakasaksi ang paniniwala­an ng mga tao.

“Kung hindi talaga totoo, eh, di good. After all, mas kilala mo ang sarili mo kesa kilala ka namin.

“Pero, Marlou, andami namang nagpapatot­oo ng asta mo kung nababasa mo ang mga comments sa posts ko, di ba? Ano ‘yon? Nag-imbento lang sila?

“’Wag kang mag-play api-apihan, anak. Walang umaapi sa ‘yo. Wag kang umastang kawawa, kasi hindi ka kinakawawa.

“Nangyayari lang ang panlalait sa ‘yo ng ibang tao kasi ikaw ang gumagawa ng dahilan para laitin ka nila.

“Gusto mo ba, i-screen grab ko ang mga nagpi-PM sa akin na nagpapatot­oo na mas yumabang ka mula nang maging Xander ka? Hindi mo magugustuh­an, anak, kaya pinili kong ‘wag na lang ilabas.

“Pero nakita mo naman siguro ‘yung sinabi ni Jeffrey Tam na may attitude problem ka kaya ka inalis noon sa Dolce Amore?

“‘Yung staff ng GGV, na-shock din sa naging attitude mo sa marshalls na hindi ka magti-taping hangga’t hindi pinapapaso­k ang mga kasama mo? Ano ‘yon? Sinisiraan ka lang ba talaga nila?

“Kesa mag-asta kang kinakawawa ng mga tao, bakit hindi mo i-assess ang sarili mo, anak? Baka nga naman di mo namamalaya­n eh mali na pala ang mga asta mo, wala lang nagpapaala­la sa yo.

“Hindi naman mahirap maging humble, Xander. Kaya mo namang ibaon sa lupa ang mga paa mo para lang matuwa sa yo ang mga tao sa larangang pinasok mo.

“‘Yang pagta-transform mo from Marlou to Xander, okay ‘yan. Alam kong mahirap ang maintenanc­e n’yan, pero mas ramdam kong masaya ka ngayon sa itsura mo.

“Kesa magpaawa at iyakan ang panlalait sa ‘yo ng ibang tao, eh, ngitian mo na lang sila at pangarapin mong balangaraw, magugustuh­an ka rin nila. At mangyayari lang yon kung tutulungan mo ring maretoke ang ilang ugaling ikinabubur­at nila sa yo.

“‘Wag kang mag-alala. Kahit nga ako, bina-bash ng ilang netizens, lalo na ng mga fans mo, pero iniintindi ko na lang din sila, dahil sanay na rin naman ako.

“Kaya cheer up, Xander. Lagi mo na lang tatandaan na ‘everybody is entitled to his own opinion’ and ‘you really cannot please everybody.’

“Pero if you always practice humility, mapapansin mo na lang din ang pagiging positive ng tingin sa yo ng mga tao.

“At kung gusto mo pa ng payo para magtuluy-tuloy ang career mo, nandito lang ako, puwede mo akong tanungin. Kasi kung ako ang magma-manage sa ‘yo, gagawin talaga kitang mukhang artista. Papa-body scrub kita twice a week hanggang sa pumuti ang tuhod mo at maging flawless ka at ang mga braso mo para kaya mo nang mag-sando o short sleeves. Ipapa-workshop kita sa acting para prepared ka sa mabibigat na eksena.

Kahit voice lessons, ipapa-coach kita, dahil nakita ko ‘yung post mo na habang tumatae ka, eh, kumakanta ka ng Versace On The Floor with matching pinapalo-palo mo pa ang p’wet mo. “Saka itse-check ko din kung natutulog ka nang maaga, dahil kung patuloy kang magpupuyat, eh, hindi guarantee na porke guwapo ka na ngayon, eh, hindi na babalik ang nakaraan.

“Hayaan mo, para patunayan ko sa ‘yo na wala akong masamang tinapay sa mga pagsita ko sa ‘yo, ‘pag nagkita tayo, magpapa-picture ako sa ‘yo. Kahit one by one, whole body.”

Sino ba ang manager ngayon ni Xander? Sana nga payuhan siya sa lahat ng kilos at pananalita nito para hindi siya mapulaan.

 ??  ??
 ??  ?? Ogie
Ogie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines