Balita

Hindi po ako masamang tao —Xander Ford

- Ni REGGE BONOAN

KASAMA si Ogie Diaz sa sitcom na Home Sweetie eetie Home at personal niyang nakita si Xander Ford dahil hil guest sa show nila.

Kaya ipinost ni Ogie sa kanyang Facebook account, “Taping ng Home Sweetie Home kanina. Guest si i Xander Ford. Sa hallway, daming nagpa-picture sa kanya. a.

Kitang-kita ko ‘yon kasama ko ang isang babaeng singer.”

Pero kaagad namang hinila si Ogie ng kasama a niyang babaeng singer at sabay sabing, “Kuya Ogie, halika na. Ayoko ‘yan. Hindi ko gusto ‘yan. Mayabang ‘yan.” “Baket mayabang?” “Nakasabay ko ‘yan nu’ng isang araw sa lobby ng ABS-CBN. Lumapit siya sa guwardiya, sabi niya, ‘Guard, guard! Papasukin mo ‘ko. Ako si Xander Ford!’” Ohhh, di ba? Ang syoray ng Lolo Xander n’yo. Hahaha!” Nasundan ulit ng post ni Ogie ng, “JUST IN: I saw Xander Ford leaving Starbucks with 5 companions. Naka-neck pillow na neon green. Boarding na siguro.”

Marami ang nagbibigay ng kanilang opinyon at karanasan sa dalawang post na naglalaraw­an kay Marlou Arizala noong hindi pa nagpaparet­oke o hindi pa siya si Xander Ford.

Tiyak na marami ang nagparatin­g o nabasa mismo ni Xander ang mga komento kaya ipinaratin­g niya kay Ogie na mabait siyang tao at hindi nagbago maski na nagparetok­e siya base na rin sa post niya nitong Biyernes ng gabi sa kanyang FB account. Ito ang post ni Xander: “Pabasa po muna bago n’yo ako husgahan. Maraming salamat sa inyo. Pa-post mga kaibigan kong bloggers. Paumanhin po. Paarticle po pahayag ko sa mga galit sa akin para po sa inyo ito at kay Tito Ogie Diaz.

“Gusto ko po malaman n’yo na hindi naman totoo ‘yung ipapapakal­at n’yo about sa akin na masama daw ugali ko kesyo lumaki daw po ulo ko. Paano n’yo po nalaman buong buhay ko puro panglalait ang nakukuha ko sa mga tao. Inilalabas n’yo po na hindi daw ako marunong makisama. Una po sa lahat nagpapakah­irap ako para ipakita na ginawa ko ang procedure na ito kahit ayaw ko. Para mabago ang tingin n’yo. “Opo umiiyak ako kasi hindi n’yo po kasi inaalam kung ano ginagawa ko. Paano po ba gusto n’yo gawin ko magmakaawa po ako hirap na hirap na po ako sa mga naririnig ko. “Nakakaiyak kasi kayo po ‘yung matanda na dapat na nakakaunaw­a sa akin. Pero kayo pa po ang naghihila sa akin pababa. Sana malaman n’yo po na wala akong alam sa sinasabi n’yo. “Puro taping puro trabaho po ako wala po ako tinanggiha­n kahit sino po sa inyo. “Wala ako tinatapaka­ng tao. Sana ipaalam n’yo po sa akin kung ano po ‘yung sinasabi n’yo sa akin. “Nakikisama naman po ako. Kung may naririnig kayo about sa kung ano man ‘yun isang kadahilana­n na pag-iyak ko. Kung Ganyan po ang tingin n’yo sa akin, sorry po sa lahat ng mga nagagalit kahit hindi ko po kayo kakilala. “Magso-sorry na po ako, nagmamakaa­wa ako sana, Tito Ogie Diaz kausapin n’yo muna ako bago mo po ako husgahan kasi po narinig n’yo lang naman po. Ano pa po’t kayo ang hinahangan ko mula pagkabata ko ‘tapos po ganyan po. “Sinisiraan mo po ako, Tito The Ogie Diaz wala po akong tinatapaka­n na tulad n’yo na-show po ako na minsan hindi ako nagpabayad. Kasi gusto ko makapagpas­aya ng tao at hindi manakit tulad po ng ginawa n’yo sa akin ngayon. “Sorry, Tito Ogie Diaz kung may nagawa po ako sa ‘yo. pasensya na po kung nasasapawa­n ko kung ano man po ang meron sa inyo. Nanghihing­i po ako ng pasensiya. Pangit lang po ako at retokado pero po hindi po ako masamang tao. “Simpleng tao lang po ako at ‘di kasing-yaman at kasingsika­t n’yo. Nagso-sory po ako sa lahat ng mga taong galit sa akin pasensiya na po. “God bless po sa inyo. Si God na po bahala sa ginagawa n’yo po sa akin. At sa akin alam ko wala akong tinatapaka­ng tao alam ni Papa God ‘yan. Laking mahirap lang po ako na gustong maiahon ang pamilya ko sa kahirapan.”

 ??  ??
 ??  ?? Xander
Xander

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines