Balita

Sereno, posibleng matulad kay Corona

- Nina BETH CAMIA at ELLSON A. QUISMORIO

Malaki ang posibilida­d na ma- impeach si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay House Deputy Speaker Fredenil Castro, posible ito lalo pa at “overwhelmi­ng” ang mga ebidensiya at batayan ng impeachmen­t laban sa punong mahistrdo.

“There is a strong possibilit­y that she could be ousted,” sabi ng 2nd representa­tive ng Capiz, sa panayam ng DZBB.

Inihalimba­wa ni Castro ang naging kapalaran ni dating CJ Renato Corona, na na-impeach noong 2011 dahil sa hindi paglalahad ng kabuuan ng kanyang yaman sa isinumiten­g Statement of Assets, Liabilitie­s and Net Worth (SALN).

Kabilang sa mga alegasyon ni Atty. Lary Gadon sa kanyang impeachmen­t complaint laban kay Sereno ay ang kabiguan ng CJ na ilagay ang kabuuan ng kanyang yaman sa SALN.

Sinabi ni Castro na may sinusundan nang desisyon ang Kongreso, kaugnay sa usaping ito, halimbawa na lamang ang pagpapatal­sik kay Corona.

“May sinusundan nang desisyon noon ang ating Kamara at ang ating Senado... Si Chief Justice Corona ay na-impeach because of the SALN na hindi idineklara. That was the bulk of the argument against [him],” punto ng Deputy Speaker.

Subalit ang kapalaran naman daw ni Sereno ay nakasalala­y pa rin sa pagtukoy sa probable cause ng reklamong impeachmen­t ni Gadon.

Sa oras aniya na mapatunaya­ng nabigo nga si Sereno na ideklara ang yaman nito sa kanyang SALN, malaki ang posibilida­d na mapatalsik ito sa puwesto sa pamamagita­n ng impeachmen­t.

“Ngayon kung mapapatuna­yan na talagang tinago niya ang ibang yaman niya, ibig sabihin ay delikado siya,” ani Castro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines