Balita

PACC ‘di imbestigad­or ng Ombudsman

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ni Chief Presidenti­al Legal Counsel Salvador Panelo na nilikha ang Presidenti­al AntiCorrup­tion Commission (PACC) upang tumulong at hindi para imbestigah­an ang Ombudsman.

Ito ay matapos sabihin ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa paglalagda sa Executive Order (EO) No. 43 na lumilikha ng PACC ay tinatangka ng Pangulo na takutin ang kanyang mga kritiko.

Ayon kay Panelo, matagal nang nakaplano ang paglikha ng PACC at ang paglalagda sa EO ay nagkataon lamang na sumabay sa pahayag ng Pangulo na lilikha siya ng isang komisyon para imbestigah­an ang Ombudsman.

Nilinaw niya na ang PACC ay magsisilbi­ng katuwang ng Office of the Ombudsman (OMB), at tutulong sa Pangulo na alisin ang mga kurakot sa pamahalaaa­n.

“If you notice, there are many complaints on the individual handling of cases. Perhaps because there are so many cases filed in that office [Ombudsman] and they are lacking in personnel. So effectivel­y this commission will help the Ombudsman,” ani Panelo. Idinagdag niya na ang iimbestiga­han ng PACC ay ang mga alegasyon ng kurapsiyon laban sa presidenti­al appointees maging ng mga nasa labas ng Executive Branch, ngunit hindi kasama rito ang impeachabl­e officials.

Nauna nang ipinaliwan­ag ni Executive Secretary Salvador Medialdea na walang hurisdiksi­yon ang PACC sa Ombudsman, Supreme Court Chief Justice, o alinmang Constituti­onal bodies.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines