Balita

Marami ngayong PNP official na ‘GABOGABO’

- Dave M. Veridiano, E.E.

NAGULAT ako nang marinig ko ang salitang “GABOGABO” sa naguumpuka­n na tricycle driver sa isang terminal sa Novaliches, Quezon City. Sa pagkakaint­indi ko sa pagpapalit­an nila ng kuru-kuro, ang kahalugan nito ay mga opisyal na BOBO at ISTUPIDO.

Naging maulan nitong nakaraang Sabado, kaya nakatambay lang ang mga tricycle driver dahil madalang ang dating ng mga pasahero sa terminal. Habang naghihinta­y ang mga ito na mapuno ang kanilang tricycle, nakatutok sila sa telebisyon na nakakabit sa dingding at nanonood ng balita – kasabay ng kanilang pagbabalit­aktakan.

Ang mainit paksa ng mga tricycle driver, kung kailan napakingga­n ko ang salitang GABOGABO na bago lamang sa aking pandinig, ay ang mga inanunsiyo ng ilang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) bilang reaksiyon sa lumabas sa Social Weather Station survey na pito sa 10 Pinoy ang nangangamb­ang maging biktima o ang kanilang mahal sa buhay ng EJK.

Ayon sa mga tricycle driver, sintomas lamang ito ng malawakang PANINIPSIP ng mga opisyal ng PNP para lamang “mapasaya” ang kanilang mga BOSSING sa serbisyo at makasiguro na makakuha ng magandang puwesto sa susunod na balasahan sa PNP.

“Isa lang daw ang EJK. ‘tang ‘nang mga GABOGABO na ito…sa lugar lang namin mahigit sampu na yata ang mga naitutumba nila, karamihan pa mga teenager!” sabi ng isa na sa tingin ko ay millennial na maagang kumayod dahil may pamilya na.

“Anong GABOGABO? Nag-imbento ka na naman ng salita!” ang natatawang sabat ng dispatcher.

“GABOGABO lang ‘di ninyo alam? ‘Di kasi kayo updated sa mga balita. Matagal na ‘yan. Yan nga ang itinawag sa akin ni Nanay nang mabuntis ko si Inday noong second year high school pa lang kami, kaya kami natigil sa pag-aaral!” natatawang sagot ni Boy Millennial.

Naintriga ako sa salitang GABOGABO kaya agad akong nag-Google, presto – naging palasak pala ang salitang ito noong 2014 patungkol sa mga teenager na maagang nakipag-sex sa kanilang mga “sweetheart” na nagresulta ng maagang pagbubunti­s. Ito ay pinaikling salita ng “Gaga Girls” at “Bobo Boys” na itinawag sa mga gumanap na teenager sa isang “infomercia­l” na Department of Health (DoH) na umani ng batikos mula sa mamamayan.

May sumingit naman na sa tingin ko ay ang pinakamata­nda sa umpukan at ang sabi niya: “Ito pa ang isang GABOGABO sa PNP. Nabasa ko sa Balita na ‘yung tatlong teenager na kontrobers­iyal na napatay ng mga pulis sa kanilang tokhang operation – mga kagagawan lamang daw ng mga pulis na kakampi ng mga dilawang oposisyon para i-destabiliz­e ang administra­syon ni Digong at PNP ang mapagbinta­ngan!” Umalingawn­gaw ang tawanan ng nasa umpukan, na agad na sinansala ng isang naghihinta­y na pasahero na mukhang kagalang-galang ang tindig.

“Dahan-dahan kayo sa pagsasalit­a, lalo na sa pagkokomen­to laban sa mga opisyal ng PNP. Ayaw nila ng ganyan…nagkalat sa paligid ninyo ang mga bayarang ‘intel broker’ o mga nagbebenta...

ng impormasyo­n sa mga pulis. Baka kayo ang sumunod na makasama sa listahan ng mga ito-Tokhang nila dahil sa mga pinagsasas­abi ninyo!” ang seryosong sabi nito sabay sakay sa tricycle at umupo sa tabi ko. Biglang tumahimik ang mga nag-uumpukang tricycle driver at halos sabay-sabay nag-upuan sa kani-kanilang tricycle na nakapila.

“O, puno na tayo, tara na!” may panghihina­yang kong sinabi sa tricycle driver. Napuno kasi agad, masarap sanang makinig sa mga kuntil-butil na pinag-uusapan ng mga ito na para sa akin ay – “kumakatawa­n sa damdamin ng masang Pilipino!” Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: daver@journalist.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines