Balita

Luis, saksakan ng guwapo

- --Nitz Miralles

PINATAWA ni Luis Manzano sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa post ni Luis Manzano na, “Napatakbo Ako Ng May Sumigaw Ng Saksakan Yun Pala Saksakan Ako Ng Gwapo” at may picture niyang kita ang dibdib.

Humirit pa siya ng, “Kinabahan ako talaga, yun pala nagsasabi lang ng totoo...”

Sabi ni Sharon, “Hahahaha! Natawa ako grabe sa comment ni @ cathygonza­ga! Ay anak nga pala kita... Sheeet saksakan nga! Saksakan!!!”

“Ay totoo naman maski ako napatakbo grabe!!!” ang reaction ni Regine. Ang comment ni Alex

Gonzaga na nagpatawa kay Sharon ay, “Sa’n ang gwapo? Parang kailangan pa kami sumagot sudoko” at sinagot siya ni Luis ng “basher ka... block.”

May hindi pa rin makasakay sa pagpapataw­a ni Luis at nag-comment ng, “Saksakan ka ng kabaklaan talaga ulol” at “Kakahiya talaga feelingero masyado.”

Sinagot sila ni Luis ng, “Ang leeg mo, brad, parang pinag-isa baba mo at dibdib mo,” hanapin mo muna leeg mo, hugis itlog ulo mo” at ang pamatay na “tanda-tanda na pamilyado pero basher pa rin sa internet. Kakahiya sa pamilya niya.” Hindi na sumagot ang basher, ha-ha-ha!

Samantala, nabuking na “Momskie” ang tawag ni Jessy

Mendiola kay Cong. Vilma Santos nang i-congratula­te niya sina Luis at Cong. Vilma sa 7th EduCircle Awarda. Nanalong Best Game Show Host si Luis at si Cong. Vilma ay Most Influentia­l Movie Actress.

 ??  ?? Jessy at Luis
Jessy at Luis

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines