Balita

Fiance, nagbantang mag-i-strip kung hihindi si Iza sa proposal

- Ni REGGEE BONOAN

PAGKATAPOS ng kanilang unang pagkikita noon pang 2011, nagpropose na ang British entreprene­ur na si Ben Wintle kay Iza Calzadokah­apon sa Sonya’s Garden sa Tagaytay.

Nagkakilal­a sila six years ago sa isang magazine event.

Heartbroke­n si Iza noon after ng roller- coaster na relasyon niya with Atticus King.

“That was the first night that I told myself na I’m going to stay out, socialize, mingle, and hopefully meet somebody. I was really looking for a foreigner that night kasi I’ve never dated a foreigner,” sabi ni Iza.

At heto si Ben who co-founded the restaurant finder app BOOKY, approached her first at tinanong if he could add her on Facebook.

“Tinawanan ko siya kasi ang daming mga fake accounts sa Facebook. So, sabi ko, ‘You know what, let’s not complicate things. Just get my number. Ganu’n kasi naiirita ako ‘pag madami pang games,” natatawang kuwento ni Iza.

At pagkatapos ng getting to know dates at ilang pagdalaw sa hospital dahil nakaratay noon ang ama ni Iza ni si Tatay Lito Calzado, naging mas matatag na ang relasyon ng dalawa.

Noon pa man sinasabi na sa amin ni Tatay Lito na magaan at panatag siya kay Ben na naging kabiruan niya.

“He was there for me. He was very strong, patient kasi nga gulo- gulo pa ako noon,” kuwento ni Iza.

Saksi ako nang magkausap nang nasinsinan sina Tatay Lito at Ben, at maghalinhi­nan sila ng dalaw ni Atticus sa matanda hanggang sa libing nito.

Matagal nang biruan kung kailan na sila lalagay sa tahimik. Ang grupo at pamilya nga namin nina Judy

Ann Santos at Ryan Agoncillo ay nagsasabin­g dapat mauna sina Iza at Ben, saka susunod na ang kung sinuman kina Sarah Geronimo atMatteo

Guidicelli; at KC Concepcion at Aly Borromeo.

Kapag natatanong sila, ang nasasabi lang ni Ben ay, “We’re both very career focused. I’m focused on Booky, she’s just focused on her career. So in terms of timing, I would say it’s kinda similar at the moment.”

Pero dumating na nga ang takdang panahon. Sa harap ng pamilya at malalapit na kaibigan, “Finally, I will be dropping the knee and officially forfeiting my manhood,” biro ni Ben sa imbitasyon niya sa amin.

Sa viber thread namin, alaskado si Ben dahil ang daming kantiyaw mula sa mga kaibigan at kaanak.

Ang best friend ni Iza na si Cheska Iñigo ang naging punong-abala sa pag-aayos ng lahat from call times to parking to the overseeing of the set up.

Siya rin ang naatasan ni Direk Mark Reyes na magbigay ng blow-by-blow account lalo na sa mga hindi makakadalo.

Maagang bumiyahe ang mga dumalo sa Sonya’s Garden sa Tagaytay kahapon. Alas nuwebe pa lang ay nasa daan na ang mga guests.

Si Ben, kasama ang kapatid at ina na lumipad from United Kingdom para masaksihan ang kanyang pagpo-prose sa kanyang fiancee.

The night prior, nag-dinner pa sila sa isang tacos place sa Makati na wala sa hinagap ni Iza na may magaganap kinabukasa­n.

Ang sabi lang ni Ben, “My heart is very humbled all of you guys will be there with us.”

Clueless at walang idea si Iza sa magaganap.

Sabi ni Ben, “Iza will likely switch on the waterworks so high chance I will be teary or may be even show the constipate­d trying not to cry face.”

Dagdag pa nito, “If she says no, I will strip.”

Malakas tuloy na kantiyawan ang nangyari na sana mag-no muna si Izadora, bago magyes!!!

(Itutuloy bukas. Malalaman natin ang reaksiyon ni Izadora sa naganap na proposal. Clueless talaga siya.)

 ??  ?? Ben at Iza
Ben at Iza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines