Balita

Ex-Cebu mayor, kinasuhan sa Yolanda scam

- Rommel P. Tabbad

Pinapasamp­ahan ng kasong graft sa Sandiganba­yan ang dating mayor ng Daanbantay­an, Cebu, dahil sa kanyang pagkakasan­gkot sa anomalyang bumabalot sa Yolanda fund noong 2014.

Sinabi ng Sandiganba­yan na may probable cause ang reklamong laban kay Augusto Corro.

Napatunaya­n din ng Ombudsman na nagkasala si Corro sa kasong simple negligence kaya't pinagmulta ito ng katumbas ng dalawang buwang suweldo nito, dahil wala na siya sa gobyerno.

"Corro’s culpabilit­y stemmed from his flip-flopping on the qualified beneficiar­ies of the Emergency Shelter Assistance (ESA), a financial assistance fund from the Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) released to victims of typhoon Yolanda.

Sa ilalim ng ESA program, makakatang­gap ng P30,000 ang mga nawalan ng bahay dahil sa hagupit ni Yolanda. P10,000 naman ang mapupunta sa mga residente na nasiraan ng bahay.

Natuklasan ng fact-finding team ng Ombudsman na umabot sa P425,870,000 ang natanggap nilang pondo para sa implementa­syon ng nabanggit na programa.

Hinikayat naman ng DSWD ang local government units sa mga apektadong lugar ng magbigay ng listahan ng mga pamilya.

Noong Oktubre 2014, isinumite ng Daanbantay­an sa DSWD ang listahan ng 16,613 beneficiar­ies.

Nirekomend­a ng Office of the Ombudsman ang two- month suspension kay Corro sa kasong simple negligence.

Kung sakaling masibak si Corro, fine ang ipapataw na katumbas ng dalawang buwang suweldo.

Nag-ugat ang usapin nang ideklara ni Corro na "disqualifi­ed" ang mga residente sa pagtanggap ng ayudang nakapaloob sa emergency shelter assistance (ESA) mula sa Department of Social Welfare and Developmem­t (DSWD) dahil umano nakatira sila sa itinalagan­g danger zone.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines