Balita

Mga pabayang police regional chief sisibakin

- Fer Taboy

Tatanggali­n sa puwesto ang mga police regional director na mapatutnay­ang naging pabaya sa trabaho.

Ito ang inihayag kahapon ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) Director Alfegar Triambulo.

Sa panayam sa Camp Crame, sinabi ni Triambulo na inatasan na niya ang mga commander ng Regional Affairs Service (RAS) na magsagawa ng special inspection sa mga kaso ng homecide.

Kasama na aniya rito ang pag audit sa mga performanc­e ng mga pulis.

Sa oras na mapatunaya­n na hindi ginagawa ng isang police regional director ang kanyang mga trabaho ay agad na irere-komenda ng IAS kay PNP chief Director General Ronald Dela Rosa, na alisin ito sa puwesto.

Nagkomento din si Triambulo tungkol sa mainit na isyu ng extrajudic­ial killings of EJK.

Sinabi ni Triambulo na ang mga napapatay sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga ay kinokonsid­era nilang homicide under investigat­ion.

Bubuo rin IAS ng technical working group upang repasuhin ang lahat ng kaso ng Death Under Investigat­ion upang malaman ang status ng imbestigas­yon at kung ano ang findings ng mga ito.

Paliwanag ni Trianbulo, maituturin­g lamang na EJK ang isang pagpatay kung taong gobyerno ang gumawa nito.

Wala aniyang kapangyari­han ang mga pulis na pumatay o magsagawa ng judicial killings.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines