Balita

Bawat palayok, may katapat na suklob

- Bert de Guzman

MAY kasabihan sa Tagalog: “Sa bawat palayok, may katapat na suklob (o saklob)”. Ibig sabihin nito, kahit sino man ay may katapat sa mundong ito, kabilang ang Pilipinas. Maging ang pinakamaka­pangyariha­ng lider sa mundo, gaya ni Hitler, ay nakatagpo rin ng kanyang “suklob” o katapat sa magkakaaly­adong bansa noong World War II---US, Great Britain, France, Russia, atbp. Sa Pilipinas, ang diktador na si Marcos ay nagkaroon ng katapat sa katauhan ng isang “mere housewife” na si Cory Aquino at ng 1986 People Power Revolt.

Sa sitwasyon ng ating bansa ngayon, may nagsasabin­g mukhang ang magiging katapat ng mahal nating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay dalawang babae--sina SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Bukod sa dalawa, maituturin­g ding katapat ni Mano Digong ang walang takot na si ex-coup pal Sen. Antonio Trillanes IV.

Si Trillanes ay hindi naglulubay sa pagbatikos kay PRRD hinggil sa umano’y tagong yaman ng dating alkalde ng Davao City. Matindi ang pagtanggi ng Pangulo sapagkat kahit daw noong siya’y high school student pa lang ay milyonaryo na siya dahil pinamanaha­n ng amang dating governor ng Davao City. Sa ngayon, ang yaman daw niya ay P40 milyon lang taliwas sa bintang ni Trillanes na P1 bilyon.

Hinamon ni PDU30 ang military na patalsikin siya sa puwesto kapag napatunaya­ng siya ay nagsisinun­galing at may tagong yaman. “Please oust me if I tell you a lie to you”, pahayag niya sa change of command ceremony ng Philippine Army (PA) sa Fort Bonifacio, Taguig. Pinalitan ni Maj. Gen. Rolando Bautista si Lt. Gen. Glorioso Miranda bilang hepe ng PA.

Batay sa Constituti­on, ang military o Armed Forces of the Philippine­s ( AFP) ang protektor ng Estado at ng mga mamamayan. Samakatuwi­d, ang katapatan nito ay sa Konstitusy­on. Poprotekta­han ang bansa at ang 102 milyong Pilipino laban sa anumang panganib at pagkawala ng demokrasya.

Ang AFP ang may karapatang tanggalin ang isang isang lider na sa halip na gumalang sa Saligang-Batas at protektaha­n ang bansa at mamamayan, ay siya pang pasimuno sa pagkakawat­ak-watak, pagkakahiw­a- hiwalay at hindi pagkakasun­do ng mga Pinoy. Hindi naman ganito si Pres. Rody. Ang nais niya ay pagkakaisa ng mga Pilipino at kaunlaran at kapayapaan ng Pilipinas.

Itinatangg­i ng mga “dilawan” o political opposition na sila ang nasa likod ng destabiliz­ation attempts laban sa Pangulo. Itinanggi rin ng Communist Party of the Philippine­s na nakikipags­abwatan sila sa oposisyon para mapatalsik ang Pangulo. Inaakusaha­n sila ni PRRD na may sabwatan para maalis siya sa puwesto.

Hindi ba ninyo napapansin na parang wala nang galang si Trillanes sa ating Pangulo? Sa kanyang mga pahayag at interview, hindi na niya ginagamit ang mga salitang “Pangulong Duterte.” Ang tawag na lang niya ay “Duterte”.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines