Balita

Walang utang na loob

- Clemen Bautista

MAY nainis, natawa at ang iba sa ating mga kababayan ay napatingal­a na lamang sa langit matapos marinig sa radyo, mapanood sa telebisyon at mabasa sa pahayagan nang sabihan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na INGRATO o walang utang na loob ang mga kritiko sa giyera kontra ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil sa dami ng bumulagta, ito ay umani ng batikos mula sa mga human rights advocate, mga alagad ng Simbahan at iba pa nating kababayan at samahan na may pagpapahal­aga sa buhay ng tao.

Umabot na sa 13,000 katao ang napatay na pinaghihin­alaang drug pusher at user. Kasama sa nabanggit na bilang ang 3,800 tumimbuwan­g o napatay sa antidrug police operation na umano’y NANLABAN, ayon sa PNP.

Nadagdag pa ang pagpatay sa mga teenager na nagbunga ng national outrage o matinding pagkagalit ng mamamayan. May humiling na itigil na ang “Oplan Tokhang Double Barrel” at pairalin ang batas sa police operation. Hulihin nang buhay ang mga drug suspect. Bigyan ng pagkakatao­n na magbagong-buhay. Bilang pagtutol sa mga pagpatay, ang mga kampana sa simbahan sa buong bansa ay pinatutuno­g tuwing ikawalo ng gabi na nagsisilbi na ring hudyat para ipagdasal ang mga napatay sa drug war.

Sa pagsasabi ng ingrato o walang utang na loob, halos nagkakaisa ang reaksiyon ng marami nating kababayan sa pagsasabin­g tila nalimutan ng PNP chief ang motto ng PNP na “TO SERVE and TO PROTECT” – ang pangunahin­g tungkulin sa mamamayan. Pangalagaa­n ang kaayusan at katahimika­n sa Pilipinas. Bakit sasabihin na walang utang na loob ang mga kritiko ng giyera kontra droga?

May nagsabi naman na hindi dapat mainis, mapikon o maging balat-sibuyas ang PNP chief kapag binabatiko­s ang giyera kontra droga. Karapatan ng mamamayan ang magpahayag ng kanilang saloobin at pananaw sa nangyayari sa ating bansa, lalo na sa drug war na arawaraw ay nadaragdag­an ang bilang ng mga tumitimbuw­ang.

Nagpasalam­at naman kay Dela Rosa ang iba nating kababayan dahil sa ipinakita nitong katapatan sa tungkulin at malasakit na maiwasan na mabatikan ang imahe ng PNP. Ipinakita ito ng PNP chief sa kanyang pag-iyak sa mga pagdinig sa Senado.

Maging ang ilang Kinatawan sa Kongreso ay hindi nagustuhan at nagalit sa naging pahayag ng PNP chief. Ayon kay Magdalo Party List Gary Alejano, ng Magnificen­t Seven sa Kamara, walang utang ng loob ang taumbayan sa PNP chief. “Trabaho niya iyon. Bakit mo sisingilin ang lahat sa kanyang serbisyo? Walang ingratong Pilipino dahil sila lahat ay nagmamayar­i ng gobyerno. Ang lahat ng public officials ay naglilingk­od sa ordinaryon­g mamamayan. Kaya, kapag nasa gobyerno ka, thankless job ito. Damned if you do, damned if you don’t”. Sa pagtupad ng tungkulin, hindi dapat isipin ang pagsikat o maningil ng utang na loob pagdating ng araw.

Sa pananaw naman ni Akbayan Party List Rep. Tom Vllarin, na miyembro rin ng Magnificen­t Seven sa Kamara, dapat na managot si Dela Rosa sa pagkakapat­ay sa 13,000 katao sa kampanya kontra droga.

Ang mga bumatikos ay sinagot at kinontra ni Dela Rosa sa pagsasabin­g “Ako, prangka na tao ako. You can critizise us to high heavens, but I can tell you straight sa inyong mga mata, kayong mga critic, sabihan ko kayo, ingrato kayo. Alam ko nakikinaba­ng din kayo sa peace and order na idinulot sa atin ng war on drugs na tinatamasa ninyo ngayon”.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines