Balita

Masasabing state policy ang EJK

- Ric Valmonte

SINAKYAN ng Malacañang ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) na walang extrajudic­ial killings (EJK) sa bansa. Talagang zero EJK, pero anuman ang uri ng mga ito, nais ng administra­syon na managot ang mga responsabl­e rito, ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella. Sinusunod lang, aniya, ng PNP ang mga patakaran nang sabihin nito na walang EJK mula nang manungkula­n si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 1, 2016.

Ang tinutukoy na patakaran ni Abella ay ang Administra­tive Order 35 na inisyu noong 2012. Sa nasabing order, kinokonsid­era na EJK ang pagpatay kung ang biktima ay kasapi ng samahan, political, environmen­tal, agrarian, labor at may kauring layunin, o nagtataguy­od ng mga nasabing hangarin; o kaya media practition­er na napagkamal­an o nakilala siyang ganito. Sinasabi rin ng nasabing AO na ang EJK ay tungkol sa mga insidente na ang biktima ay pinatay dahil sa aktuwal o akalang kanyang kinasasapi­an, itinataguy­od o propesyon; o ang pumatay ay state agent o non-state agent at ang paraan ng pagpatay ay sinadya at planado.

Maaaring gamiting dahilan ang nais ipakahulug­an ng AO 35 sa paghahayag ng administra­syong Duterte na walang naganap na EJK sa kanyang panunungku­lan. Dahil ikinakatwi­ran niya na hindi naman state policy ang pagpatay sa mga umano’y sangkot sa droga. Batay sa record ng pulisya, 3,850 na ang napatay sa anti-drug operations dahil lumaban ang mga ito sa awtoridad. Iniimbesti­gahan naman ang libulibong pinatay umano ng mga vigilante.

Madaling sabihin na hindi polisiya ng estado ang pumatay ng mga drug suspect. Wala naman kasing naririnig na ganitong kautusan mula sa Pangulo. Ang problema, ipinatutug­is ng Pangulo ang mga sangkot sa droga. Maliwanag ang kanyang utos sa mga pulis na kapag ang mga sinisita o hinuhuli nilang mga drug suspect ay nanlaban at nalagay sa panganib ang kanilang buhay, patayin nila ang mga ito. Tingnan ninyo ang record ng pulisya. Ang 3,850 napatay sa anti-drug operation ay nanlaban. Iyong utos ng Pangulo sa mga pulis na patayin ang mga nanlaban ay ginawa nilang gabay at disenyo sa pagpapaira­l ng war on drugs. Mahirap paniwalaan na ang lahat ng 3,850 napatay na drug suspects ay nanlaban. Kaya nga sa survey na inilabas ng Social Weather Stations kamakailan ay ganito ang resulta: marami sa mga mamayan ang hindi naniniwala sa pahayag ng PNP na nanlaban ang mga napatay na drug suspect.

Kaya, kahit anong pagtanggi ng Malacañang, sa utos ng Pangulo sa mga pulis at pagsunod nila sa kanya sa pagpapaira­l ng war on drugs, masasabing ang pagpatay ay state policy. Ikonsidera mo na rin dito iyong pagpatay ng mga vigilante. Ke napatay sa drug operation ng mga pulis o ng mga vigilante, maliwanag sa pamamaraan­g ginawa ng mga pumatay ang layunin nila na maabsuwelt­o sa anumang responsibi­lidad.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines