Balita

MABUTING BALITA

Jon 3:1-10 ● Slm 130 ● Lc 10:38-42

-

Sa kanilang paglalakba­y, pumasok si Jesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng nagngangal­ang Marta. May kapatid siyang babae na tinatawag na Maria. Naupo ito sa may paanan ng Panginoon at nakikinig sa kanyang salita. Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: “Panginoon, hindi mo ba napapansin­g pinabayaan ako ng aking kapatid na babae na magsilbing mag-isa? Pakisabi mo naman sa kanya na tulungan ako.”

Sumagot sa kanya ang Panginoon: “Marta, Marta, abala ka’t balisa sa maraming bagay; isa lang naman ang kailangan. Pinili nga ni Maria ang mainam na bahagi na hindi kukunin sa kanya.” PAGSASADIW­A:

Pinili nga ni Maria ang mainam na bahagi na hindi kukunin sa kanya.— Para kay Marta, si Jesus ay isang Panginoong dumalaw sa kanilang tahanan na dapat lang paglingkur­an. Abala si Marta sa kanyang ginagawa hindi para sa kanyang sarili. Malinaw sa kanya na ang ginagawa niya ay para kay Jesus.

Ngunit para naman kay Maria, si Jesus ay isang guro at kaibigan na dumalaw sa kanilang tahanan upang magturo at makipagkum­ustahan. Kung kaya’t kailangan niyang maupo upang pakinggan si Jesus sa kanyang mga sasabihin.

Si Marta ay larawan ng paggawa at si Maria naman ay larawan ng pagdarasal. Kapwa mahalaga ang dalawa sapagkat ang panalangin­g walang kalakip na gawa ay huwad na kabanalan. Ang paggawa naman na walang kalakip na dalangin ay maaaring maging isang pagpapagod lang na wala namang kahulugan.

“SIMBAHAY 2017” ST. PAULS Philippine­s, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 8959701; FAX: 895-7328; Email: books@stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines