Balita

Tratuhang mag-ama nina Lito at Mark Lapid, rebelasyon sa set

- Ni REGGEE BONOAN

‘CONGRATULA­TIONS Direk Toto ( Natividad) at Direk Malu ( Sevilla) sa napakataas na ratings ng FPJ’s Ang Probinsyan­o, grabe more than two years nang hindi natitinag,” bati namin sa dalawa nang makasalubo­ng namin sa ELJ hallway nitong nakaraang Linggo.

“Uy, salamat naman din sa inyo,” sabi ni Direk Malu.

Tinanong sila ni Katotong Maricris Nicasio kung hanggang kailan si Cardo Dalisay ( Coco Martin) sa bundok dahil miss na miss na raw siya sa Maynila.

“Malapit na, abangan ninyo,” natatawang sagot ng lady director.

Hirit ni Direk Toto, “Ang dami kasing may gusto kay Coco sa rural.”

Kaya pala tumagal nang husto ang episode na nasa bundok ng Pulang Araw si Cardo dahil kahilingan ito ng mga taga-probinsya.

Naikuwento rin ng dalawang direktor ang napakarami­ng fans ni Senator Lito Lapid na gustung- gusto rin siyang makasama sa Ang Probinsyan­o.

“Bibilib ka, ha? At his age, siya ang gumagawa ng stunts niya, wala siyang dobol, ayaw niya. Siya ang gumagawa ng routine. Kaya hands-off kaming lahat kay Senator,” kuwento ni Direk Malu na agad sinang-ayunan ni Direk Toto.

Bukod sa stunt, puring-puri nila si Senator Lito na laging handa pagdating sa set, alam na nito ang lahat ng mga gagawin, never na-late at higit sa lahat ay napakabait sa lahat ng tao at never nagreklamo kahit inaabot na ng gabi ang tapings lalo na kung kailangan ng night effect.

Puring-puri rin nina Direk Toto at Direk Malu ang anak ni Senator Lito na si Mark Lapid.

“Unang impression ko kasi kay Mark kasi politician din siya, mayabang, well aminin naman natin, di ba, may ganu’ng dating si Mark, pero sobrang mali ako, grabe napakabait niyang anak as in sobrang asikaso niya tatay niya,” kuwento ni Direk Malu.

“Si Mark ipinaghaha­in niya ang tatay niya, sinasabi niya, ‘O, ‘Tay kain na po’ at hindi aalis si Mark nang hindi sila sabay ng tatay niya. Minsan kasi tapos na eksena ni Mark, si Lito hindi pa, so hihintayin niya ‘yun at inaalalaya­n niya maski hindi naman kailangang alalayan kasi matikas at malakas pa naman si Senator.

“At ‘pag break time, sasabihin ni Mark, ‘’Tay, mag-reading na po tayo.’ Hindi ba nakakatuwa kasi nakita namin na ganu’n pala ang samahan nilang mag-ama.”

Sinabi namin na ganoon kasi ang nakalakiha­n ni Mark sa tatay niya dahil kapag napadalaw kami sa bahay nila sa Pampanga o sa set noong aktibo pa si Lito sa pelikula ay siya mismo ang naghahain ng pagkain sa entertainm­ent press. Siya mismo ang punong abala, hindi ipinag-uutos sa iba.

Samantala, biniro namin si Direk Malu na mukhang hindi pa magtatapos sa January 2018 ang

FPJ’s Ang Probinsyan­o dahil may bali-balitang maiextend pa at ayaw pang ipatapos ng advertiser­s sa sobrang taas ng ratings kaya andami-daming ads.

“Talaga? Eh, well, iyon ang sabi nila, let’s wait,” saad ni Direk Malu.

 ??  ?? Mark Lito
Mark Lito

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines