Balita

Coco, bagsak na lulugo-lugo sa set sa sobrang pagod

- --Reggee Bonoan

USAPING FPJ’s Ang Probinsyan­o pa rin. Kinumusta namin si Coco Martin kay Direk Malu Sevilla.

“Hayun, laging pagod pagdating sa set, bagsak na lulugo-lugo, hindi mo na makakuwent­uhan ng matagal kasi laging nakayuko na,” sagot sa amin.

Paanong hindi babagsak sa pagod si Coco, sabay niyang ginagawa ang Probinsyan­o at ang pelikulang Ang Panday na kasali sa 2017 Metro Manila Film Festival na siya mismo ang direktor, aktor at producer.

Nabanggit ni Direk Malu na isa siya sa nagconvinc­e kay Coco na magdirek na ng pelikula.

“I’m so happy for him kasi natupad na rin ‘yung gusto niya, actually I told him before na, ‘’Coco, ‘it’s time for you to direct na kasi kayang-kaya mo na ang logistics at technical,” nakangitin­g kuwento ng direktora.

Hirit namin, ‘Ikaw pala nagtulak direk, kaya hayan pagod na pagod.”

“Oo nga, eh. Sabi ko kay Coco, kaya na niyang magdirek, pero hindi ko naman sinabing siya ang aktor at producer. Akalain mo, sinagad naman, siya direktor, producer at actor, eh, paanong hindi siya lulupaypay n’yan?” tumatawang kuwento ni Direk Malu.

Tinanong din namin siya kung may alam siya sa tila gusot ng mag-bestfriend na sina Coco at Vice

Ganda kasi nga hindi sila magkasama ngayon sa pelikula bagkus at magkalaban pa sa 2017 Metro Manila Film Festival.

“Meron ba? Wala akong alam, wala rin namang naikukuwen­to sa akin si Coco. Huling usapan namin sabi niya lang, ‘Baka magkatapat kami ni Vice.’ Kasi nga they’re have their own film,” kaswal na sabi ng direktora.

Balita kasing mas type ni Coco ang seryosong pelikula kaysa sa comedy kasi nga hindi naman niya forte ang pagpapataw­a na strength naman ni Vice.

“Baka, pero ‘yung gusot, wala akong alam o baka hindi lang nakakarati­ng sa akin,” pakli ni Direk Malu.

Kaya mahahati ang manonood ng pelikula nina Coco at Vice, “Oo nga, siguro paglalaban­an na lang nila ang number one at two,” nakangitin­g sabi sa amin.

 ??  ?? Coco
Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines