Balita

Lutong Shanghai ang Warriors

-

SHANGHAI, China (AP) – Mala-MVP na ang dating si Stephen Curry sa pre-season game sa China.

Hataw ang two-time MVP sa naiskor na 40 puntos para sandigan ang Golden State Warriors sa 142-110 panalo kontra Minnesota Timberwolv­es nitong Linggo (Lunes sa Manila) para sa 1-1 karta sa kanilang China series.

Naitala ni Curry ang 13 for 20 sa field, kabilang ang 6 of 9 mula sa 3-point range, at walong assists.

Nag-ambag si Klay Thompson ng walong 3-pointer para sa kabuuang 28 puntos, habang tumipa si Kevin Durant ng 22 puntos.

Nanguna si Andrew Wiggins sa Minnesota na may 19 puntos.

THUNDER 86, MELBOURNE 85

Sa Oklahoma City, nangailang­an ang Thunder nang matikas na depensa sa krusyal na sandali para maitakas ang dikitang panalo kontra Melbourne United.

Napigilan ni Josh Huestis ang dalawang pagtatangk­a ng Australian club sa huling segundo ng laro para sa isang puntos na panalo. Nabutata niya sina Josh Boone at Casey Prather.

Ikinagalak naman ni Melbourne coach Dean Vickerman ang resulta ng laro na aniya’y nagpatunay lamang sa kahandaan ng koponan laban sa All-Star trio ng Thunder na sina Russell Westbrook, Paul George at Carmelo Anthony.

“I felt coming into the half that they were really going to try to make a run with their best group,” pahayag ni Vickerman. “We weathered that storm, and they had to keep some of those best players coming back to win the game.”

Nanguna sa Melbourne sina Casper Ware Jr. na may 20 puntos, Boone na kumana ng 15 puntos at Prather na may 11 puntos at 10 rebounds.

Sa Washington, ginapi ng Wizards, sa pangunguna ni Bradley Beal na kumana ng 11 puntos, ang Cleveland Cavaliers, 102-94.

 ?? AP ?? CURRY: MVP performanc­e…
AP CURRY: MVP performanc­e…

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines