Balita

Pasaol: Markado sa UAAP

- Marivic Awitan

ISANG puntos lamang ang kakulangan sa markang 50 puntos ni Alvin Pasaol ng University of the East sa UAAP men’s basketball championsh­ip.

Gayunman, naitala sa libro ng premyadong collegiate league sa bansa ang 49 puntos ng sweetshoot­ing star ng Warriors na kaunaunaha­n sa kasaysayan ng liga.

At nagawa ni Pasaol ang marka laban sa La Salle Green Archers – itinuturin­g defensive team sa kasalukuya­n sa kabila nang iniindang sakit sa napinsalan­g kanang paa.

Nasundan niya nang impresibon­g 32 puntos sa panalo ng Warriors kontra University of Santo Tomas Tigers nitong Sabado. Bunsod nito, walang duda na karapat-dapat kay Pasaol ang Chooks-to-Go UAAP Press Corps Player of the Week award.

Sa kabila ng kasikatang tinatamasa, iginiit ng 21 anyos mula sa Davao City na nagawa niyang maging matatag sa tulong ng kanyang teammates at sa tiwalang ibinigay ng coaching staff.

Naiposte ni Pasaol ang 49 puntos sa 100-106 panalo kontra powerhouse Green Archers.

“Nilaro ko lang ‘yung talagang best ko na hinihingi ni (Coach Derrick Pumaren) sa akin,” pahayag ni Pasaol. “Nag-stick lang talaga (ako) sa game plan namin. Salamat din sa mga teammates ko kasi hindi ko naman makukuha ‘yung 49 points kung hindi dahil sa kanila.”

Si Pasaol ang unang college player sa UAAP na umiskor ng mahigit 40 puntos sa nakalipas na isang dekada.

Huling nakagawa nito si Jeff Napa, isa nang ganap na coach ng Letran College, nang umiskor ng 43 puntos noong Agosto 22, 2002. Nilagpasan din nya ang naitalang record ng kapwa Warriors na si Allan Caidic na 46 puntos.

Tinalo ni Pasaol para sa lingguhang citation sina Matt Nieto ng Ateneo, Jerrick Ahanmisi ng Adamson, at Ben Mbala ng La Salle .

“Alvin is different compared to (Jun) Limpot, Allan (Caidic) [na] nahawakan ko sa amateur. Alvin is like akala mo, hindi nya alam yung play, parang hindi nakikinig pero once you start the play, he knows it,” pahayag ni UE coach Derrick Pumaren.

“First time ata that I’ve coached a local that scored 49. Kasi dati import lang ang nakaka-score [ng ganoon ka taas] pero ngayon, he really gave us a show,” dagdag nito.

 ?? RIO DELUVIO ?? WALANG sini-sino si Pasaol sa depensa maging laban sa 6-foot-6 na si Ben Mbala ng La Salle.
RIO DELUVIO WALANG sini-sino si Pasaol sa depensa maging laban sa 6-foot-6 na si Ben Mbala ng La Salle.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines