Balita

Protesta vs Catalan independen­ce dinagsa

-

BARCELONA (REUTERS) – Dumagsa sa mga lansangan ng Barcelona, ang kabisera ng Catalan region, nitong Linggo ang mga mamamayang ayaw humiwalay sa Spain.

Tinaya ng mga pulis na nasa 350,000 katao ang nagwagaywa­y ng Spanish at Catalan flags at nagbitbit ng mga karatula na nagsasabin­g “Catalonia is Spain” at “Together we are stronger”.

Ang Catalonia, may sariling lengguwahe at kuktura at pinamumunu­an ng pro-independen­ce regional government, ay nagdaos ng referendum noong Oktubre 1 para humiwalay at sinuway ang constituti­onal court ng Spain na idineklara­ng ilegal ang botohan.

Mahigit 90 porsiyento ang bumotong pabor sa kasarinlan, ngunit hati ang opinion polls. Nasa 43 porsiyento lamang ng populasyon ng rehiyon ang nakibahagi sa referendum, at karamihan ng mga mamamayan ay nais na manatili sa Spain.

“We feel both Catalan and Spanish,” ani Araceli Ponze, 72, nakiisa sa anti-indpendenc­e rally nitong Linggo. “We have to speak out very loudly so they know what we want.”

Ang demonstras­yon ay inorganisa ng antiindepe­ndence group na Catalan Civil Society para pakilusin ang pinaniniwa­laan nitong “silent majority” na tutol sa kalayaan.

Nagsalita sa rally ang Nobel prize-winning novelist na si Mario Vargas Llosa, may dual Spanish at Peruvian nationalit­y. Sinabi niya sa mga mamamahaya­g na ipinakita ng rally na maraming Catalan “don’t want the coup d‘etat the Catalan government is fostering”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines