Balita

Divina kinasuhan ng libel, cybercrime si Kapunan

- Ni CHITO A. CHAVEZ

Humihingi ng P60 milyon si University of Santo Tomas (UST) Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina bilang kabayaran sa kasong libelo at three counts na paglabag sa Republic Act 10175 (Cybercrime) na kanyang isinampa laban kay Atty. Lorna Kapunan sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Sa pagsasampa ng kasong libelo, sinabi ni Divina na inakusahan siya ni Kapunan na siya ang nag- recruit kay UST College of Law freshman Horacio Castillo III na napatay sa hazing rites ng Aegis Juris Fraternity.

Sa kanyang 13 pahinang reklamo, sinabi ni Divina na sa online article ng ABS- CBN ay ipinahayag ni Kapunan na hindi pumayag ang ina ni Castillo na sumapi sa fraternity ang anak ngunit ipinangako ng complainan­t na walang magaganap na hazing.

Inireklamo rin ng UST Faculty of Civil Law Dean na inakusahan siya ni Kapunan na pinoprotek­han niya ang mga miyembro na fraternity na sinasabing kabilang sa hazing rites kay Castillo.

“The respondent’s malicious imputation of a crime of violating the anti-hazing law or of committing obstructio­n of justice is even made more evident from the fact that respondent even chastised the Senators for asking my assistance and full cooperatio­n for the prompt delivery of justice to the family of Horacio,’’ base sa reklamo.

Sinabi ni Divina, nakasaad sa kanyang complaint affidavit, na hindi siya personal na kilala ng magulang ni Castillo at ang mga kaklase nito ang nag-recruit sa kanyang sumali sa Aegis Juris Fraternity.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines