Balita

Lloydie at Ellen, nagbabahay-bahayan

- Ni NITZ MIRALLES

NAGBAHAY- BAHAYAN ang dating ng IG stories ni Ellen

Adarna nang i-post ang picture ng niluto niyang adobo at sinaing ni

Jon Lloyd Cruz at ‘yung picture ng aktor na nasa kusina ng inuupahan nilang apartment na parang may hinihiwa.

Magluluto yata ang aktor, basta, may inihahanda siya.

Dagdag sa ‘ bahay- bahayan feels’ ng IG stories ang picture na habang naghihiwa si John Lloyd, naka- pajama ito. At least daw, marunong magluto si Ellen at marunong magsaing si John Lloyd, mabubuhay sila hangga’t may pera na siguradong marami sila.

Kahit wala sa bansa, in the news pa rin sina John Lloyd at Ellen at bawat galaw, binabantay­an. Pati ang pagsusuot ni John Lloyd ng statement t-shirt na may nakasulat na # AvoidWork binigyan ng maraming kahulugan.

Kesyo ayaw nang magtrabaho ng aktor, sawa nang magtrabaho at kung anu- ano pa. Hindi ba puwedeng gusto lang i-promote ang t-shirt na gawa ng kaibigan ng aktor na si Poklong Anading?

May lumutang pang balita na tatanggali­n na ang sitcom nina John Lloyd at Toni Gonzaga na Home

Sweetie Home. Pero may version namang lumabas na ipagpapatu­loy ito at si Piolo ang papalit kay John Lloyd. Ang mga writer na siyempre ng show ang bahala kung ano ang gagawin kung totoong papalitan nga ni Piolo si John Lloyd.

In the meantime, hayaan muna nating mag-enjoy ang lovebirds na sina John Lloyd at Ellen sa mga oras na magkasama sila living the life they want.

‘Wag na tayong magnega lalo’t masaya naman ang dalawa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines