Balita

Comeback movie ni Aga, Graded A ng CEB

- –Noel D. Ferrer

PALABAS na simula ngayon ang family drama na Seven Sundays ni Cathy GarciaMoli­na mula Star Cinema tampok sina Aga Muhlach, Enrique Gil, Cristine Reyes at Ronaldo Valdez. Siyempre pa, kasama rin si Dingdong Dantes, sa kanyang panlimang pelikula sa film division ng ABS-CBN. Nauna na siya sa Segunda Mano (2011) with Kris Aquino at Angelica Panganiban, One More Try (2012) with Angel Locsin, Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo; She’s The One (2013) with Bea Alonzo, Enrique Gil and Liza Soberano; The Unmarried Wife (2016) with Angelica Panganiban and Paulo Avelino; ‘tapos ito ngang Seven Sundays.

Memorable itong Seven Sundays dahil, katulad nga ng sinabi ni Dingdong, “Maganda ang istorya, maganda ang samahan, kaya napakagand­a ng pelikula.”

Aside from Aga Muhlach, na siya palang nag-inspire sa kanya para maging aktor, may isang makakasama sa pelikula si Dingdong na talagang kaibigan niya.

Sa katunayan, nakakasabi­k silang muling makita sa isang full length movie lalo pa’t nakakatawi­d-tawid naman sila ng pinagtatra­bahuhan.

Maikli lang talaga ang eksena ngunit ramdam mo ang kakaibang screen chemistry nilang dalawa. More than that, naging daan ang shooting upang makapag-usap muli at makapag-bonding ang magkaibiga­n sa kanilang buhay.

Sa mga nakapanood kagabi sa premiere night, alam na nila kung sino ang ka-reunion ni Dingdong sa pelikulang Seven Sundays; hahayaan nating surprise na lang ito at looking forward sa mas magaganda pang pelikulang pagsasamah­an ng dalawang malapit at espesyal na magkaibiga­n at magkapamil­ya sa ating industriya.

Rated A sa Cinema Evaluation Board ang Seven Sundays.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines