Balita

DoH Sec. Ubial inayawan ng CA

- Ni LEONEL M. ABASOLA May ulat ni Genalyn D. Kabiling

Ibinasura kahapon ng Commission on Appointmen­t (CA) ang pagkakatal­aga kay Dr. Paulyn Ubial bilang kalihim ng Department of Health (DoH).

Halos tatlong dekada nang kawani ng DoH si Ubial, at sa pagkakabas­ura sa kanyang appointmen­t ay tuluyan na siyang tinanggal at kailangang magkaroon na kaagad ng kapalit.

Nabatid na hindi pumasa si Ubial makaraang hindi nito sang-ayunan ang hiling ng administra­syon na padaliin ang proseso sa pagbili ng mga gamot at medical supplies para sa mga sundalong nakikipagb­akbakan sa Marawi City.

Matatandaa­ng Hulyo ngayong taon nang nagbanta ang Pangulo na sisibakin sa puwesto si Ubial kung hindi aapurahin ang pagbili ng medical equipment na kinakailan­gan ng militar.

Tumanggi rin si Duterte na tanggapin ang paliwanag ng kalihim na ang pagkakaant­ala ay dulot ng bidding process para sa mgaequipme­nt. “Change the procedures or I will change you,” ani Duterte.

Nagpahayag naman kahapon ng panghihina­yang ang Malacañang sa hindi pag-apruba ng CA kay Ubial.

“We regret the Commission on Appointmen­ts’ non-confirmati­on of Department of Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial,” saad sa pahayag ni Presidenti­al Spokesman Ernesto Abella.

Si Ubial ang ikalimang cabinet appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte na na-reject ng CA, kasunod nina Perfecto Yasay ng Department of Foreign Affairs (DFA), Gina Lopez ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR), Judy Taguiwalo ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD), at Rafael Mariano ng Department of Agrarian Reform (DAR).

 ??  ?? Sec. Ubial
Sec. Ubial

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines