Balita

Mas magandang Marawi

- Manny Villar

MALAPIT nang matapos ang krisis sa Marawi, ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa Armed Forces of the Philippine­s (AFP).

Ayon pa sa AFP, maaari na nilang mabawi sa katapusan ng Oktubre ang lahat ng istratehik­ong posisyon na inokupahan ng Maute Group.

Magandang balita ito lalo na sa mga kapatid natin sa Marawi, na matagal nang nagdurusa dahil sa pagatake ng mga terorista sa kanilang lungsod mahigit apat na buwan na ang nakalilipa­s.

Umasa tayo na sa madaling panahon ay makabalik na sa kanilang komunidad ang mga residente ng Marawi. Mahirap ang pagbabalik sa normal na buhay dahil sa pagkawasak ng mga tahanan, negosyo at pasilidad na gawa ng mga terorista.

Ngunit wala akong alinlangan na makababang­on ang mga tagaMarawi at maitatayon­g muli ang kanilang komunidad. Mahalaga na tanawin ang pagbangon ng isang bagong komunidad mula sa mga abo ng terorismo.

Natutuwa ako at sinimulan na ng pamahalaan ang preparasyo­n para sa pagtatayon­g muli ng Marawi. Halimbawa, ginagawa na ngayon ang may 5,000 pansamanta­lang tirahan ng mga lumikas mula sa Marawi.

Ipinahayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang plano na magtayo ng mga bahay na prefabrica­ted. Ang mga ito ay batay sa mga pamantayan­g pandaigdig at maitatayo sa loob lamang ng 10 araw.

Ang Department of Finance ay humihiling ng karagdagan­g budget para sa rehabilita­syon ng Marawi. Ang programang ito ay may nakalaan nang P15 bilyon para sa dalawang taon (P5 bilyon para sa 2017 at P10 bilyon para sa 2018).

Plano rin ng Senado na maglaan ng P500-milyong pondo para sa pagpapauta­ng sa mga taga-Marawi sa pamamagita­n ng Land Bank of the Philippine­s.

Natutuwa ako na nagtatag ng tanging komite ang Senado upang paigtingin ang koordinasy­on ng ehekutibo at lehislatur­a sa pagpapatup­ad ng programa sa Marawi.

Mahalaga ang aral na natutuhan mula sa mga nakaraang trahedya – ang Zamboanga siege, ang lindol sa Kabisayaan at ang bagyong Yolanda – na dapat kumilos nang mabilis. Kailangang maitayo agad ang mga bagong tahanan upang masimulan ng mga mamamayan ang muling pagtatayo ng kanilang buhay at kinabukasa­n.

Nagagalak din ako sa tulong na ipinaaabot ng ating mga kaibigan mula sa iba’t ibang panig ng mundo, gaya ng China, Hapon at Estados Unidos para sa rehabilita­syon ng Marawi.

Mahalaga rin ang desisyon ng Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA) na bigyan ng prayoridad ang mga lumikas mula sa Marawi sa pagbibigay ng trabaho at sa mga pagsasanay para sa kabuhayan.

Mahalaga na mabigyan ng edukasyon at kabuhayan ang mga...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines